Facebook

GUSTO LUMAKI ANG ‘TITI’ NAGPATUROK NG PETROLEUM JELLY, NAIMPEKSYON!

NAOSPITAL ang 21-anyos na lalaki nang mamamaga, maimpeksiyon at tila unti-unting nabubulok ang maselang bahagi ng kaniyang katawan dahil sa itinurok nitong petroleum jelly sa Pangasinan.
Sa ulat, sinabi ng lalaki na itinago sa pangalang “Alberto, mula sa Mana-oag, Pangasinan, 2019 nang mahikayat siya ng mga kabarkada na magtu-rok ng petroleum jelly para lumaki umano ang ari nito.
Ayon kay Alberto, hindi niya inasahan ang magi-ging matinding epekto ng itinurok na petroleum jelly sa kaniyang ari.
Kailangang maoperahan si Alberto para matanggal ang kemikal na itinurok sa kaniya.
Pero dahil sa kakapusan ng pinansiyal, nananawagan siya ng tulong para siya maoperahan.
Ayon sa Pangasinan Provincial Health Office, lubhang mapanganib ang pagtuturok ng “foreign materials” sa katawan dahil posibleng mauwi ito sa komplikasyon.
“Unang-una, kung hindi kayo lisensiyado na mga duktor or wala kayong mga training para sa mga cosmetology na mga ganito, hindi kayo ina-advice na gagawin ninyo ‘yan,” paalala ni Dr. Anna De Guzman.

The post GUSTO LUMAKI ANG ‘TITI’ NAGPATUROK NG PETROLEUM JELLY, NAIMPEKSYON! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
GUSTO LUMAKI ANG ‘TITI’ NAGPATUROK NG PETROLEUM JELLY, NAIMPEKSYON! GUSTO LUMAKI ANG ‘TITI’ NAGPATUROK NG PETROLEUM JELLY, NAIMPEKSYON! Reviewed by misfitgympal on Abril 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.