UPANG tumulong para mapababa ang kaso ng Covid-19 dumating na sa Metro Manila ang ilang health care workers mula sa Cebu para tulungan ang NCR Plus na gamutin ang mga tinatamaan ng sakit.
Ayon kay Sen. Christopher Lawrence Bong Go kasunod ng kanyang pagsaksi sa itinayong 103rd Malasakit Center sa Carcar Provincial Hospital Carcar City, Cebu
Sinabi ni Go na Ang Malasakit Center, isang one stop shop na medical assistance para tumulong sa pagpapagamot ng mga mahihirap na Pilipino.
Sinabi pa sa ulat na Ang Carcar Provincial Hospital ang ikaanim na ospital sa Cebu na mayroong Malasakit Center kung saan nauna na ang Eversley Childs Sanitarium & General Hospital sa Mandaue City, Vicente Sotto Memorial Medical Center at St. Anthony Mother and Child Hospital sa Cebu City, Lapu-Lapu City District Hospital, at Talisay City District Hospital.
Kaugnay nito nagpasalamat ang senador sa mga frontliners na nagboluntaryo na magtungo sa NCR Plus na nagsakripisyo na iwanan ang pamilya para lamang tumugon sa tawag ng tungkulin.
Bilang Chairman ng Senate Committee on Health, siniguro niya ang kanyang suporta para maalagaan din ang kaligtasan ng mga health care workers.
Kabilang sa suporta ng senador ang pagsusulong sa Senado ng mas maayos na compensation ng mga nurses na matataas sa sweldo ng mga ito sa pamamagitan ng Salary Standardization Law V.
Umaapela din siya kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. at Health Secretary Francisco Duque III na isama ang mga personnel ng Professional Regulatory Board, mga volunteer proctors and watchers sa Priority Group A4 ng government’s vaccination program.
Hiningi rin niya na ikonsidera ang pre-board nursing graduates na makakuha ng eksaminasyon ng board exams ngayong 2021 upang may maidagdag sa kasalukuyang bilang ng mga health care workers.
Matapos ang paglulunsad ng Malasakit Center sa Carcar Provincial Hospital namahagi naman ang DSWD ng financial assistance sa 86 indigent patients.(Boy Celario)
The post Health workers mula Cebu, tumulong sa pagtugon sa COVID-19 sa NCR plus appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: