ISA pang lugar sa lungsod ng Maynila ang nagtayo o naglagay narin ng “community pantry”.
Ito’y upang makatulong narin sila sa ilang indibidwal na naapektuhan ng ipinapatupad na higit isang taon nang community quarantine dahil sa COVID-19.
Partikular na itinayo ang isang community pantry sa loob ng Intramuros kungsaan pawang residente ng Barangay 655 hanggang 658 ang nabigyan ng food items.
Mismong mga guwardiya sa loob ng Intramuros ang namamahagi ng kape, biskwit, itlog, kamatis, bigas at mga delata.
Una nang naglagay ng community pantry sa may bahagi mg P. Noval Street malapit sa University of Santo Tomas kungsaan ang bawat residente ay makakakuha ng libreng gulay, bigas, delata at instant noodles.
Ayon sa mga organizer ng community pantry, naging inspirasyon na ang naunang paglalagay ng Maginhawa pantry sa Quezon City.
Sa Tondo 2, nagsimula naring maglagay ng community pantry sa Barangay 163 kungsaan dadalhin ang food items sa ilang partikular na lugar upang doon na lamang magpunta ang mga residente at kumuha ng kanilang mga pangangailangan . (Jocelyn Domenden)
The post Intramuros nagtayo rin ng community pantry appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: