Facebook

Lider ng investment scam huli sa Cebu

ARESTADO ang isang pasimuno ng investment scam na natago sa batas ng mahigit dalawang taon sa Cebu.
Kinilala ang nadakip na si Katherine Posas Liao, pasimuno ng malaking business scam na Organiko Agribusiness Venture.
Sa report, may limang warrant of arrest si Liao para sa syndicated estafa, isang non-bailable case.
May 2018 pa nang mag-issue ng ‘cease and desist order’ ang Securities and Exchange Commission laban sa Organiko dahil sa kuwestiyonableng business model nito ngunit nagpatuloy parin ito sa operasyon.
Ayon sa ulat, libo ang naging biktima ng grupo at milyong halaga ang natangay sa mga nag-invest na karamihan nasa Davao.

The post Lider ng investment scam huli sa Cebu appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lider ng investment scam huli sa Cebu Lider ng investment scam huli sa Cebu Reviewed by misfitgympal on Abril 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.