SINIBAK na sa puwesto ang ilang opisyal ng Manila Police District (MPD)-Station 10 na sangkot sa panghaharas sa isang miyembro ng media sa Maynila.
Kinumpirma ni MPD Director, Brig. General Leo Francisco, ang pagsibak kina Lt Joel Piñon, Beata PCP Commander; SMS Jonathan Hernandez, Cpl Charles Bronzon dela Torre, Pat Marvin Anthony Comboya, at Pat Jonathan Abad.
Ayon kay Francisco, pinaiimbestigahan na in nito sa D7 ang nangyari.
Nag-ugat ang pagkaka-relieve ng mga opisyal ng MPD-Station 10 sa pag-aresto sa reporter ng radio station ng PTV 4 (Radyo Pilipinas) na si Lorenz Tanjoco.
Sa ulat, Linggo ng hapon nang masita sa chekpoint si Tanjoco dahil sa walang suot na facemask na natanggal ito habang nagmomotorsiklo.
Sa kabila ng paliwanag ni Tanjoco, tinuluyan parin siya, dinala sa Baeta PCP at ikinulong ng mahigit 10 oras bago ito pinalaya.
Pumutok ang isyu hanggang sa makarating sa pamunuan ng ilang samahan sa media na mariing kinondena ang mga pangyayari kabilang ang National Press Club (NPC), Manila City Hall Press Club (MCHPC), National Unions Journalist of the Philippines (NUJP) at maging ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na nangakong hindi palalagpasin ang ginawa ng mga naturang mga pulis kay Tanjoco.
Ayon kay Francisco, inilipat na ang mga pulis na ni-releave sa DIDMD/D7 ng MPD habang isinasagawa ang imbestigasyon laban sa kanila.
Kasama rin sa mga ni-releave ang pulis na nangharas kay Tanjoco na si PSSG Anthony Geronimo, na ayon kay Tanjoco ito ang nagsabi sa kanya na “walang media, media” kaya natuluyan siyang makulong ng magdamag na hindi manlang siya pinayagang ipaalam sa kanyang mga nag-aalalang kaanak ang kanyang naging sitwasyon. (Jocelyn Domenden)
The post PCP commander, 5 pa sibak sa panghaharas ng media appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: