Facebook

Isang Lolo Na Bulag Ang Hinangaan Dahil Nakakapagbalat Siya Ng 1000 Niyog Sa Isang Araw Lamang At Kumikita Ng 300 Pesos Para Makabili Ng Kanyang Pangangailangan

Nasubukan na ba ninyong mangopra at magbalat ng niyog? Ito’y hindi madaling gawain at talaga namang kasanayan at lakas ang kinakailangan upang magawa ito. Subalit isang lolo ang nakakaya pa rin na mangopra at magbalat ng niyog sa kabila ng pagiging 69 anyos na at ang mas nakakagulat ay ito’y bulag pa!

Sa palabas na “Kapuso mo, Jessica Soho” ay ipinakilala si Jr Velasquez o si Lolo Mano. Tiyak na nakakaantig ang kwento ni lolo dahil maaga pa lamang ay nagsisimula na itong magsibak ng kahoy na magagamit panggatong sa kanyang pagluluto. Ayon kay lolo ay kinakapa lamang nito ang kahoy na sinisibak at gayun din ang ginagawa nito sa kanyang paghihiwa ng gulay at pagluluto. Tunay na nakakabilib ay kung matatandaan ninyo ay isa ring bulag ang nanalo bilang Master Chef.

Source: KMJS
Source: KMJS

Isa pang nakakahanga kay Lolo Mano ay ang kanyang abilidad na makapagbalat ng niyog sa kabila ng kanyang edad. Kwento nito ay sinusundo ito umano sa kanyang bahay kung may kailangan balatan na niyog. Ito ang tumatayong pangunahing hanapbuhay ni Lolo Mano at nagpo-provide sa kanya ng kanyang kinakailangan upang makabili ng pagkain.

Ayon kay Jofrey Lamosnero, ang may ari ng koprahan, ay si Lolo Mano umano ang may pinakamabilis at pinaka malinis na magbalat ng niyog. Nakakapagbalat umano ito ng 1,000 niyog sa isang araw at 300 ang kita niya rito. Daig pa nito ang ibang tauhan na bata pa at may malinaw na paningin. Pagkatapos ng trabaho ay mag-isa nang umuuwi si Lolo Mano at hindi na nagpapahatid. Nakakaya naman nito umano ang magkalad pauwi dahil kabisado nito ang daan.

Source: KMJS

Isa sa mga nakakalungkot na dinanas ni Lolo Mano sa kanyang buhay ay nang mapagbintangan siya sa isang pangyayari. Napatunayan na wala namang ebidensya kaya hindi raw ito napatunayan ngunit pinalayas naman ito ng kanyang kapatid. Isang apo naman niya sa pamangkin na si Michelle Urabano ang kumopkop sa kaniya.

Source: KMJS

Ipinanganak ng may malinaw na paningin si Lolo Mano subalit nang dahil sa tigdas ay nagkaroon na ito ng ‘poor light perception’ at wala namang umanong pang pa-opera noon kaya tinanggap na lamang nito ang pagkawala ng kanyang paningin. Ayon kay Dr. Jose Fernando Cuevas ay delikado na raw umano na operahan si Lolo sa kanyang edad.

Nakakainspire ang pagpatuloy ni Lolo Mano sa kanyang buhay sa kabila ng kanyang kalagayan, kaya naman ay ipinagawa ng programa ang bahay ni Lolo Mano upang makatulong sa matanda.

The post Isang Lolo Na Bulag Ang Hinangaan Dahil Nakakapagbalat Siya Ng 1000 Niyog Sa Isang Araw Lamang At Kumikita Ng 300 Pesos Para Makabili Ng Kanyang Pangangailangan appeared first on Make To Simplify.


Source: We Buzz News
Isang Lolo Na Bulag Ang Hinangaan Dahil Nakakapagbalat Siya Ng 1000 Niyog Sa Isang Araw Lamang At Kumikita Ng 300 Pesos Para Makabili Ng Kanyang Pangangailangan Isang Lolo Na Bulag Ang Hinangaan Dahil Nakakapagbalat Siya Ng 1000 Niyog Sa Isang Araw Lamang At Kumikita Ng 300 Pesos Para Makabili Ng Kanyang Pangangailangan Reviewed by misfitgympal on Abril 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.