Facebook

FDA: 3 ospital pinayagan nang gumamit ng Ivermectin vs COVID-19

NASA tatlong ospital na ang pinahihintulutan na gumamit ng anti-parasitic drug na ivermectin sa kanilang mga pasyente ng COVID-19.

Sa pagdinig ng House of Representatives nitong Huwebes, Abril 22, inamin ng Food and Drug Administration (FDA) na nadagdagan pa ng isa ang bilang ng mga pagamutang ginawaran nila ng “compassionate special permit” (CSP) sa naturang gamot.

“Sa ngayon po mayroon pa pong na-approve na isang hospital kahapon,” ani FDA director general Eric Domingo.

“May pending pa po na isa daw na nag-apply din kahapon na may kulang lang na papel na isa-submit,” dagdag ng opisyal.

Matatandaan, nitong buwan din nang gawaran ng FDA ng compassionate special permit ang dalawang hindi pinangalanan ng mga ospital.

Noong nakaraang taon nang amiyendahan ng Department of Health (DOH) ang isang FDA Memorandum na nagbibigay kapangyarihan sa ahensya na maggawad ng CSP sa isang gamot na hindi pa rehistrado pero kailangang i-reseta sa pasyente.

Bukod sa mga sakit tulad ng HIV at cancer, pinayagan na rin ng Health department ang paggawad ng CSP sa mga nakahahawang sakit tulad ng COVID-19.

Una nang sinabi ng World Health Organization at ng mismong drugmaker ng ivermectin ng Merck, na wala pang sapat na ebidensyang ligtas at epektibo ang naturang gamot laban sa coronavirus disease.

The post FDA: 3 ospital pinayagan nang gumamit ng Ivermectin vs COVID-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
FDA: 3 ospital pinayagan nang gumamit ng Ivermectin vs COVID-19 FDA: 3 ospital pinayagan nang gumamit ng Ivermectin vs COVID-19 Reviewed by misfitgympal on Abril 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.