Mukhang matutupad na this season ang inaasam ng lahat na dikdikang laban sa pagitan nina Sir Lewis Hamilton ng Mercedes at “Mad Max” Max Verstappen ng Red Bull.
Impresibo ang naging panalo ni Verstappen sa Emilia Romagna Grand Prix nitong nakaraang weekend pero hindi naman nagpahuli si Hamilton at humabol from ninth place to finish second and claim the extra point para sa fastest lap.
Crucial para sa championship ang paghabol ni Hamilton dahil muntik na niyang hindi matapos ang karera. He was running second nang mawalan siya ng control sa manibela. Mabuti na lang at dumaplis lang siya sa barrier.
He rejoined the race at ninth place at kahit na mahirap mag-overtake sa track lalo na dahil sa malakas na ulan sa kaagahan ng karera ay nagawa pa rin niyang tumapos na pangalawa.
May tig-isang panalo sina Hamilton at Verstappen after two races at tig-isa ring pole position. Ang diperensiya lang sa standings ay ang one point na nakuha ni Hamilton for the fastest lap.
After two races ay mukhang angat ang Red Bull sa bilis over Mercedes, particularly sa qualifying. Hindi naman nagkakalayo ang dalawang sasakyan sa race pace.
Nagtatangka si Hamilton na makuha ang ikawalong world title to break his tie with Michael Schumacher habang si Verstappen naman ay nais makuha ang kanyang unang world title.
***
Malapit nang makalaro ang 1-2 punch ng Los Angeles Lakers na sina LeBron James at Anthony Davis. Medyo matagal na nabakante ang dalawa because of injury.
Dahil sa pagbagsak sa standings ng Lakers ay naging paborito ang New Jersey Nets para sa kampeonato lalo na nang makuha nila ang serbisyo nina Blake Griffin at LaMarcus Aldridge.
Hindi nga lang nagtagal ang stint ni Aldridge sa Nets dahil nag-retiro ito after suffering from irregular heartbeat.
Injured din ngayon si James Harden ng Nets habang labas-pasok sa line-up sina Kevin Durant at Kyrie Irving.
Sa tingin ko ay Lakers pa rin ang mamamayani sa huli, especially dahil well-rested si LeBron heading into the playoffs.
The post Sir Lewis vs. Mad Max appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: