Facebook

Guidelines ng PhilHealth para sa indemnification pinamamadali

KINALAMPAG ng mga mambabatas ang Philhealth na madaliin ang paglalabas sa guidelines para sa indemnification ng mga makakaranas ng adverse effects matapos na mabakunahan kontra COVID-19.

Sa naging pagdinig ng Kamara hinggil sa estado ng vaccine rollout, inamin ng ahensya na isinasapinal pa nila ang guidelines kasunod ng kanilang pag-aaral sa batas at konsultasyon nila sa mga stakeholders.

Paliwanag pa ng Philhealth na wala rin silang karanasan pagdating sa paggulong ng programang ito.

Nababahala naman ang ilan sa mga miyembro ng komite dahil sa wala pang kasiguruhan kung kailan mailalabas ang naturang panuntunan.

Diin ng mga kongresista, mahalaga na mailabas na ito lalo’t gumugulong na ang vaccination program.

Nitong Marso nang sinimulan ng pamahalaan ang rollout ng COVID-19 vaccination kasunod nang pagdating sa bansa ng mga donasyong Sinovac vaccine.

Bahagi ng RA 11525 o Vaccination Program Act ang paglalaan ng indemnification o bayad danyos sa sino mang makakaranas ng adverse effect mula sa pagpapabakuna. (Henry Padilla)

The post Guidelines ng PhilHealth para sa indemnification pinamamadali appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Guidelines ng PhilHealth para sa indemnification pinamamadali Guidelines ng PhilHealth para sa indemnification pinamamadali Reviewed by misfitgympal on Abril 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.