Facebook

Raptors binartolina ang Brooklyn, 114-103

BINARTOLINA ng Toronto Raptors gamit ang big game sa third quarter upang tuluyang walisin ang powerhouse team na Brooklyn Nets sa iskor na 114-103,kahapon sa Tampa,Florida.
Nanguna sa opensa ng Raptors sina Pascal Siakam na kumamada ng 27 points at nine rebounds at si OG Anunoby ay nag-ambag ng 25 points para iposte ang kanilang ika-25 panalo ngayong season.
Halos kompleto rin ang Toronto dahil sa pagbabalik na rin ng kanilang veteran guards na sina Kyle Lowry at Fred VanVleet.
Pero ang Nets ay wala pa rin ang kanilang mga superstars na sina Kevin Durant at James Harden bunsod ng injury.
Pinilit naman ni Kyrie Irving na may 28 points, 11 rebounds at eight assists na pangunahan ang team pero hindi pa rin umubra.
Nang makuha ng Raptors ang kalamangan sa third quarter ay hindi na ito lumingon para madagdagan pa ang kanilang winning streak sa apat.
Samantala hawak naman ng Brooklyn ang kartada na 39-20.
Sunod na makakaharap ng Nets ay ang Indiana sa Biyernes ,habang ang Raptors ay dadayo sa New York sa Sabado ng hapon.

The post Raptors binartolina ang Brooklyn, 114-103 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Raptors binartolina ang Brooklyn, 114-103 Raptors binartolina ang Brooklyn, 114-103 Reviewed by misfitgympal on Abril 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.