IPINAGPAG ni Monbert Arong ang naging pagkakamali sa pagkakasangkot niya sa naunang kontrobersyal na laro laban sa Siquijor Mystics at nasapawan ito ng kahanga-hangang laro para sandigan ng ARQ Builders Lapu-Lapu City Heroes laban sa Tubigon Bohol, 61-55, kamakalawa ng gabi sa pagtatapos ng first round match sa 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Visayas leg sa Alcantara Civic Center, Alcantara, Cebu.
Wala pang 24 oras matapos maglabas ng paumanhin ang liga hingil sa pagkakamali ng pagbibigay ng suspension kay Monbert imbes sa kaapelyidong si Franz, kumana ng kabuuang 15 puntos ang matikas na forward, tampok ang pitong sunod na puntos sa krusyal na sandali para sandigan ng Heroes sa ikatlong panalo sa limang laro sa six-team tournament.
Naagaw ng Heroes ang bentahe sa 56-55 nang maisalpak ni Arong ang three-pointer may 1:22 ang nalalabi sa laro. Nasundan ito ng layup mula sa magkasunod na mintis nina Mac Montilla at Joseph Marquez para selyuhan ang panalo sa pahirapang tira at ilarga ang 60-55 bentahe ng ARQ may 17 segundo ang nalalabi sa laro.
“Very good morale-boosting win for us, especially after yung nangyari sa amin last week,” pahayag ni Heroes assistant coach Jerry Abuyabor. “Malaking panalo ito para sa amin heading into the second round na hindi kami papasok ng tatlong sunod-sunod na talo.”
Nangun si Vincent Minguitosa ARQ na may 16 puntos, walong rebounds, at apat na assists, habang tumipa si Fletcher Galvez ng 11 puntos.
Kumabig si Joseph Marquez ng 13 puntos at 13 rebounds sa Bohol.
Nanguna sa first round ang MJAS Zenith-Talisay City na may 5-0 marka kasunod ang ACS Computer Specialists- Mandaue City na may 4-1 kartada.(Danny Simon)
The post LAPU-LAPU HEROES NAMAYANI VS TUBIGON appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: