NAGLABAS ng pahayag ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) kaugnay sa pag-a-resto ng mga pulis sa isang mamahayag ng Radyo Pilipinas sa Maynila.
Sinabi ni PTFoMS Usec Joel Maguiza Sy Egco sa kanyang Facebook post na hindi niya palalagpasin ang ginagawa ng kung sinong power tripper kay Lorenz Tanjoco, beat reporter ng Radyo Pilipinas sa Manila Police District (MPD) at Director ng Manila Cityhall Press Club (MCHPC), na inaaresto ng mga tauhan ng MPD-Station 10 Bi-yernes ng hapon.
“Incendiary remarks such as “walang media, media” are uncalled for. Disrespectful at the very least. Let this be a reminder to all law enforces,” ayon kay Usec. Egco.
Ayon pa kay Egco, mayroon ding batas at hanay ng mga patakaran kung paano maging sibil at propesyonal sa pag-harap sa mga tao at sa pagganap ng iyong mga tungkulin.
“If there was abuse as claimed, ‘wala ring pulis, pulis’ kung may nilabag na batas,” diin pa ni Egco.
Sa kabila ng pakiusap at paliwanag ni Tanjoco sa simpleng paglabag sa ‘di pagsusuot ng face mask habang sakay ng kanyang motorsiklo ay nauwi sa harassment, paninigaw, pangungutya, pagkuha ng cellphone at pagposas hanggang sa ikulong na tumagal ng magdamag.
“Pantay-pantay tayong lahat sa mata ng batas. Maging mahinahon at magalang sa lahat ng pagkakataon. Hindi nakamamatay ang paliwanagan o pagpapakumbaba. Bakit hindi magawa?,” ani Usec Egco
Napag-alaman na pina-relieve narin ni Egco ang mga pulis na umaresto kay Tanjoco sa pangunguna ng pulis na si “Geronimo” at “Hernandez” na siyang nanigaw sa mamamahayag.
Mga tauhan ni Lt.Joel Piñon ang naturang mga pulis na pawang nakatalaga sa Beata PCP sakop ng Pandacan Police Station 10.
Naglabas narin ng pahayag si National Press Club (NPC) President Paul Gutierrez. Kinondena nito ang ginawang karahasan, kahambugan ng mga tauhan ni MPD Director BGen. Leo Francisco kay Tanjoco.
Kinondena rin ng pamunuan MCHPC ang pag-aresto kay Tanjoco na mistulang kriminal na ikinulong ng mahigit 12 oras.
Sa kabila ng pangyayari, naniniwala ang mga opisyal at miyembro ng samahan na hindi kukunsintihin ng pamunuan ng MPD ang insidente, at umaasang paiimbestigahan ang “harassment” kay Tanjoco.
(Jocelyn Domenden)
The post JOURNALIST NA WALANG FACEMASK HINARAS AT KINULONG NG MPD! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: