DAPAT paghandaan na ng Pilipinas ang mga posibleng dumating pang pandemya sa pamamagitan ng pagiging self-reliant sa mga gamot.
Ito ang sinabi ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go kaugnay sa panukalang magkaroon ng local manufacturing ng mga bakuna sa bansa.
Ipinaliwanag ni Go na para matugunan ang limitadong supply ng bakuna at masyadong pagiging dependent sa global sources, dapat magkaroon na ng paghahanda ang bansa para magkaroon ng kapasidad ang Pilipinas na mag-manufacture ng bakuna habang inaasahan ang pag-develop ng sariling bakuna.
Kinumpirma rin ni Go na sinabihan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si DTI Secretary Ramon Lopez na kapag may mag-apply na manufacturing company ay tulungan ito dapat ng gobyerno.
Binigyang-diin ni Go na mahigpit na utos ng Pangulo na huwag pahirapan sa halip ay tulungan agad ang mga nais tumulong para makapaglagay ng sariling manufacturing ng bakuna sa bansa.
Giit pa ni Go na dapat nang pabilisin ang pagsasaayos ng public-private partnerships sa manufacturing ng mga bakuna sa bansa.
Dagdag pa ni Go na isa sa ginagawa ng gobyerno ngayon ay ang pakikiusap sa ibang mga bansa hinggil sa supply ng bakuna para sa vaccination program ng gobyerno kontra COVID-19. (Mylene Alfonso)
The post Sen. Go suportado ang local manufacturing ng mga bakuna sa bansa appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: