Facebook

Bong Go sa gobyerno: Vaccination gawing episyente at accessible sa lahat

IGINIIT ni Senator Christopher “Bong” Go sa pamahalaan na tiyaking accessible, episyente at maayos ang vaccine rollout sa iba’t ibang parte ng bansa upang hindi ma-expose sa virus ang publiko.

Hiniling din ng senador sa Department of Health (DOH) na ikalat ang vaccination centers sa mga barangay at ikonsidera ang pagbabakuna sa maliliit na villages o residential clusters.

“Bringing vaccines to smaller residential clusters, like villages, sitios, or subdivisions, will avoid overcrowding in existing vaccination centers and will prevent the further spread of COVID-19,” ani Go.

“As we expect more vaccines to be delivered and as we have also widened the priority list to cater to more essential sectors, we must keep on ramping up and speeding up the vaccination rollout to achieve herd immunity,” idinagdag ng mambabatas.

Ayon kay Go, ang pagbabakuna sa maliiit na residential clusters ay mas ligtas para sa mga residente kaysa sa mga overcrowded na barangay vaccination centers at sa mga matatagpuan sa malls.

“LGUs and DOH must maximize available facilities, volunteers, doctors and nurses to speed up an orderly inoculation. Sabi nga ng Pangulo noon, dalhin dapat ang bakuna sa pinakamahihirap at pinakamalalayong mga lugar,” sabi ni Go.

Idiniin ng mambabatas ang kahalagahan ng istriktong papapatupad ng vaccination priority list. Ipinaalaa niya sa publiko na maging disiplinado, mapagbantay at nakikiisa sa gobyerno sa harap ng patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 infections.

“Ulitin ko, sumunod tayo sa priority list, alam natin gusto na natin mabakunahan pero ayaw natin mayroong mag-oovertake na hindi naman kasama sa priority list,” giit ni Go.

Samantala, pinasalamatan ni Go ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa naging desisyon nito na isama ang frontline news media workers sa updated list ng sektor na nasa ilalim ng Priority Group A4 ng National COVID-19 Vaccine Program.

Matatandaang umapela sa gobyerno si Go na ibilang ang mga kasapi ng media sa COVID-19 priority list.

Ipinunto ng senador ang mahalagang papel ng media sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko hinggil sa pandemya.

Ang media workers, partikular ang field reporters, ay inilalagay rin sa panganib ang sariling kalusugan para lamang makapaghatid ng mahalagang balita.

“Ang importante naman rito ngayon, kung ano ‘yung available na bakuna na dumarating, sundin lang natin ang priority list ng gobyerno, sa health workers, sa frontliners, pababa sa indigents, sa mga senior citizens. Ito naman sa A4 natin … ay napakahalaga rin ang kanilang (media) ginagampanan,” ayon kay Go.

“I will clarify sa IATF kung anong mga guidelines at polisiya, saan kayo lalapit para mabakunahan na at tuloy-tuloy ang ating roll-out,” ayon sa senador. (PFT Team)

The post Bong Go sa gobyerno: Vaccination gawing episyente at accessible sa lahat appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go sa gobyerno: Vaccination gawing episyente at accessible sa lahat Bong Go sa gobyerno: Vaccination gawing episyente at accessible sa lahat Reviewed by misfitgympal on Abril 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.