Facebook

13 MAG-ANAK NASAWI SA NAHULOG NA SUV SA IRIGASYON SA KALINGA

KALINGA – Nauwi sa malagim na trahedya ang sinapit ng13 magkakamag-anak matapos mahulog sa irigasyon ang sinasakyang SUV sa Bulo, Tabuk City dito sa lalawigan.
Kinilala ang mga nasawi na sina Soy Lope Agtulao, 36 anyos, tsuper at kasapi ng BJMP Mt. Province; Judilyn Talawec Dumayom, 31; Alfredo Cutit Lope, 59; Remedios Longey Basilio, 56; Jessabel Basilio Paycao, 27; Sony Puking Lopez, 22; Marlo Gel Perena, 6; Seadarn Talawec Dumayom, 5; Scarlet Basilio Paycao, 3; Jeslyn Talawec Paycao, 4; Cydwin Lope Agtulao, 6; Cyan Lope Agtulao, 4; at Ezverdcrick Basilio Paycao, 4; pawang residente ng Bulanao, Tabuk City.
Mapalad namang nakaligtas ang dalawa pang sakay ng SUV na sina Edith Andiso Perez, 5; at Cyril Lope Agtulao, 10; kapwa rin residente rin sa nasabing bayan.
Ayon kay Police Lt. Col. Radino Belly, hepe ng Tabuk City Police Station, galing sa Mt. Province sina Agtulao kasama ang pamilya nito at binisita ang kanyang kamag-anak sa Tabuk City.
Napagpasyahan ng mag-anak na mamasyal sa Bulo Lake, subalit habang nasa daan patungo sa lugar ay nahulog sa malalim na irrigation ang sasakyan. Hindi nakalabas ng sasakyan ang mga sakay nito kaya nalunod.
Batay sa imbestigasyon ng PNP Tabuk City, posibleng nawalan ng kontrol ang tsuper kaya mahulog sa irigasyon ang sinasakyang black Ford Everest.
Rumesponde ang rescuers kasama ang mga residente at nagtulong-tulong upang maiahon ang lumubog na sasakyan.
Dinala pa ang mga biktima sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ang 13 nalunod, habang kasalukuyang nilalapatan ng lunas ang dalawang nakaligtas sa malagim na trahedya ng pamamasyal ng mag-anak. – REY VELASCO

The post 13 MAG-ANAK NASAWI SA NAHULOG NA SUV SA IRIGASYON SA KALINGA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
13 MAG-ANAK NASAWI SA NAHULOG NA SUV SA IRIGASYON SA KALINGA 13 MAG-ANAK NASAWI SA NAHULOG NA SUV SA IRIGASYON SA KALINGA Reviewed by misfitgympal on Abril 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.