MALAKI anila ang posibilidad na maging super spreader ng virus ang mga community pantries na sumulpot sa iba’t ibang lugar partikular na sa National Capital Region (NCR) at mga karatig lalawigan.
Ito ay bunsod ng mga reklamo ng ilan residente na nangangamba sa kanilang kalusugan hinggil sa pag-dagsa ng maraming tao sa mga community pantries.
Hindi na umano natutupad ang mga minor health protocol partikular na ang pagsusuot ng face mask at pagme-mentina ng social distancing na halos magkapalit-palit na ng mga mukha.
Marami sanang kababayan natin ang natu-tulungan nitong mga community pantries na ito pero sana naman daw ay isaalang-alang din ang mga kapakanan ng marami lalo na sa kanilang kalusugan.
Kina-katuwa ng mga residente ang alituntunin ng mga pantries na nagbibigay ng mga libreng mga kalakal na mga pangunahing pangangailangan mula sa bigas, de-lata, noodles at marami pang iba.
Malaki na anilang tulong ito lalo na sa mga kababayan nating mahihirap partikular na ang mga nawalan ng trabaho bunga ng pag-sasara ng mga negosyo mula ng ibalik na naman ang Enhance Community Quarantine (ECQ) sa buong bansa.
Iyan ang mga kapatid nating mga No Work, No Pay… Isang Kahig, Isang Tuka at walang ibang inaasahan kundi ang arawan nilang suweldo na pinagkait pa sa kanila ng gobyerno.
Sinasaluduhan at hinahangaan natin ang mga taong nasa likod ng mga community pantries na walang ibang ginawa kundi ibahagi ang lahat ng abot-kaya nilang ibigay sa mga taong mas higit na nangangailangan.
Ang lahat ng kanilang serbisyo ay libre at galing sa mga sarili nilang mga bulsa. Iyan ang nagpapataba sa puso ng ilan kababayan naghi-hikahos. Huwag kayong mag-alala dahil hindi kayo nag-iisa.
Ang mga ganitong galaw ay isang pahiwatig rin na ang ” bayanihan” na ating kinamulatan ay buhay na buhay pa rin at nananatili pa rin sa ating puso at diwa.
Sa lahat ng mga taong nasa likod ng proyektong ito na walang ibang intensiyon kundi ang tumulong at wala rin namang ina-asam na kapalit… MABUHAY KAYONG LAHAT AT NAWA’Y PATNUBAYAN KAYO NG POONG MAY-KAPAL…
PLDT BRANCH SA TAYUMAN, WALA
DAW PINA-PATUPAD NA PRIORITY O
COURTESY LANE SA MGA SENIOR CITIZEN
Isang branch umano ng Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT) sa Tayuman st., Tondo, Manila ang wala daw pinapatupad na priority o courtesy lane sa ating mga senior citizen, PWD at mga buntis.
Ayon sa mga nagrereklamo, sinabi daw sa kanila ng isang security guard at ilan staff ng nasabing kompanya na wala daw silang sinusunod na courtesy lane sa mga senior citizen at PWD.
Isang pila lang daw ang dapat sundin na kung saan sama-sama na lahat ang mga tao sa kung ano man rason o pakay ang kanilang pinunta. Walang pribilehiyo, priyoridad at konsiderasyon silang bini-bigay kung kaya’t kawawa naman ang mga nakakatanda nating mga kababayan, pila rin kayo he he he
Sa pila man sa customer service o payment of bills, bukod-tanging ang kompanyang ito ang hindi nakitaan ng courtesy lane na naa-ayon at mahigpit na pina-patupad ng batas.
Wala tayong GANONEN dahil kahabag-habag naman ang ating mga senior citizen na dapat nating bigyan ng konting pribilehiyo at kondiderasyon sa lahat ng aspeto.
Itanim niyo sa inyong mga kukotana hindi sa habang panahon ay bata kayo, dadating din ang oras na kayo at tatanda at lilipas din.
Nananawagan ang lahat sa namamahala sa nasabing kompanya na paki tingnan naman at paki busisi ang isyung ito.
The post Community pantries, may posibilidad na maging super spreader ng virus appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: