Facebook

Natividad, bugbog kay Ms. Bagsik!

KAPAG hindi nasugpo ang mga kabulastugan ng isang babaing gambling operator na nakabase sa Tanauan City, Batangas ay lalo pang mababatikan ang madungis na ngang imahe ng kapulisan sa rehiyon ng CALABARZON.

Sino ang pinaka-apektado sa pinaggagagawa ni Ms. Bagsik? Ito ay walang iba kundi ang nakaupong PNP Region 4-A director, P/BG Felipe Natividad.

Si Ms. Bagsik na may alias ding Madam Bagsik ay may rebisahan ng jueteng sa Brgy. Janopol, Tanauan City, ngunit liban sa pagiging “Jueteng Queen” nito ay partner pa rin siya ng isang barangay chairman sa pangingikil ng intelhencia o suhol sa kanyang mga kapwa jueteng operator gamit ang pangalan ng tanggapan ni PNP Region 4-A P/BG Felipe Natividad.

Walang sinumang pulis, NBI o iba pang awtoridad na nakakatinag kay Ms. Bagsik pagkat bukod sa nangangamba ang mga ito na baka nga protektado ito ni Gen. Natividad, ay kalimitang nasusupalpalan pa ng suhol ang mga nagri-raid sa kanyang safehouses.

Kaya kung hindi totoong may basbas si Gen. Natividad na mangolekta ng protection money mula sa mga kapwa nito ilegalista sina Ms Bagsik,‘ ay kailangan maiparesto na ito ng heneral.

Liban kay Ms Bagsik at kay Brgy. Kapitan, may iba pang mga nagpapakilalang kolektor ng intelhencia o suhol ng mga PNP unit sa limang lalawigan na sakop ng CALABARZON, at ang suki ng mga itong gatasan ay ang mga ilegalistang jueteng operator, malalaking tupadahan, paihian at iba mga pinatatakbong labag sa batas na pinagkikitaan sa naturang rehiyon.

Ang nakakadismaya nito, pati mga financier ng kalakalan ng droga at high profile drug pusher ay kasama rin pala sa mga “tinatarahan” nina Ms Bagsik.

Papaano pa masusupil ang gawaing iligal sa nasabing rehiyon kung pati na ang pangalan ng pinakamataas na pinuno ng kapulisan sa rehiyon ay ipinangangalakal ng mga protection racket collector?

Lumilitaw na hindi lamang pala si Brgy. Chairman at ang partner nitong si Ms. Bagsik o Madam Bagsik ang umoorbit sa mga jueteng operators at iba pang ilegalista sa Batangas at iba pang mga lalawigan sa Region 4-A.

Hayag pa ang mga pangalan nina alias Sgt. Chan, na nangongolekta din gamit ang pangalan ng heneral sa mga lalawigan ng Cavite, Rizal at Laguna, isang Sgt. Garcia na nagpapakilalang intelhencia kolektor ng tanggapan ng CIDG, isang alias Sgt. Balasihan na ang ipinangongolekta naman ng “tara” o tong ay ang opisina ng Batangas Provincial Police Office at iba na kinumkumpirma pa natin ang mga pangalan at isang alias Sgt. Adlawan na ang gamit sa pangongotong ay ang opisina ng NBI.

Pinaka-matunog naman ang pangalan ni alias Ms Bagsik pagkat hindi lamang ito nag-ooperate ng jueteng sa Tanauan City kundi umaakto pa rin itong engkargado ng mga jueteng operator sa hurisdiksyon ni Tanauan City Mayor Angelina “Sweet” Halili at ng kanugnog na Sto Tomas City at mga bayan ng Malvar, Mabini, Bauan at San Pascual.

Pagkatapos makolekta ang mga “hatag” ng kanyang mga kapwa gambling operator ay inireremit nito ang “protection money” kay Brgy. Kap at si chairman naman ang direktang nagdadala ng kabuuang nakolekta sa mga tanggapan ng Region 4-A Police Office.

Sa Batangas Province ay kabilang din sa kinokotahan ni Miss Bagsik ay sina Tano, Banog, at Lito ng bayan ng Malvar, Wally, Jun at Lito ng Sto Tomas City, Timmy ng Mabini, Bauan at San Pascual, Zaldy at Bedung ng Taysan.

Sa mismong balwarte nito na Tanauan City ang mga suki ni Ms Bagsik ay sina Badoy, alias Mayor Benir, alias Kon Burgos, Konsehal Angel, Ablao at Melchor ng Brgy. Darasa, Ms. Anabel ng Pantay na Matanda, Kap. Mario ng Brgy. Pantay na Bata, Jr. Biscocho ng Brgy. 7 at Putuhan, Lito ng Brgy. 7 at Putuhan at Konsehal Perez ng Poblacion.

Kabilang din dito ang drug at jueteng financier na sina Ocampo ng Brgy. Bagbag, Emil, Ramil, Aldrin , Terio, Angke at Lilian ng Brgy. Sambat, Lawin at Dona ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda, Rowel, Tano at Berania ng Brgy. Trapiche, Engke, Cancio, Dama at Dexter ng Brgy.Ulango, pawang ng Tanauan City.

Ang bayan ng Padre Garcia na nasa pamumuno ni Mayor Celsa Rivera ay may dalawang notorious na drug lord at jueteng operator na direkta namang kinokolektahan ni alias Brgy. Kap. Ang mga ito ay sina alias Kap Tisoy at Kap Idol.

Liban sa pagiging drug at gambling maintainer sangkot din ang dalawa sa gun for hire, operasyon ng paihi, saklang patay, at gun-running. Kilala din ang mga ito bilang lider ng kinatatakutang Tisoy, Idol at Flores Kidnap at killer for hire Group.

Ngunit dahil sa limpak-limpak na salaping protection money na inihahatag ng mga ito sa mga intelhencia kolektor, ay di matinag ng PNP at ng alinmang law enforcing operating arms ang naturang sindikato. Abangan ang pagpapatuloy natin sa raket nina Ms. Bagsik!

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com

NBI, POLICE CLEARNCE FOR SALE!

Sir Sikreta,

Dito po sa Dito sa computer shop nina Bernabe at Jojo sa C. Recto Ave., ay namimirata sila ng pekeng police at NBI Clearnces at dito naman sa Sevilla Street, corner C. Recto Ave ay may piso net na walang permit 0 license to operate na ang nag-ooperator ay si Grace. Ang kanyang pinaglalaro ay halos puro mga bata na may 7- 9 ang edad. May mga suki din pong tomboy at ang partner ng mga ito na doon na din sa computer shop naglalaplalapan. Paging Mayor Kois Moreno, paki-aksyunan po. Pls dont publish my name.

The post Natividad, bugbog kay Ms. Bagsik! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Natividad, bugbog kay Ms. Bagsik! Natividad, bugbog kay Ms. Bagsik! Reviewed by misfitgympal on Abril 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.