INSPIRASYON SA BUHAY: “… Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang mga nagtitiwala sa Diyos…” (Isaias 40:31, Ang Tanging Daan Bibliya).
***
IVERMECTIN DEBATE, UMINIT DAHIL SA KASO NG DATING PANGULONG ESTRADA: Tuloy ang mainit at maanghang na debate kung paiinumin ng Ivermectin ang mga Pilipinong tinamaan ng Covid 19. Muling umigting ang debate kung may bisa nga ba ang Ivermectin laban sa virus noong umaga ng Lunes, Abril 19, 2021, matapos tumanggi ang mga duktor ng dating Pangulong Joseph Estrada na painumin siya ng nasabing gamot. Si Estrada ay naka-confine sa ospital dahil sa Covid 19.
Naniniwala diumano ang mga duktor na para sa mga hayop lamang itong Ivermectin. Sa kabilang dako, puspusan naman ang pagsusulong ngayon ng lumalaking bilang ng mga duktor sa Pilipinas, sa Amerika, at sa iba pang mga bansa, ng tuluyang paggamit ng Ivermectin sa mga Covid 19 patients.
Sa kalatas na inilabas ni dating Senador JV Ejercito sa media, niliwanag niyang hindi binigyan ng mga duktor ng dating Pangulo ng Ivermectin, bagamat may mga mungkahing gamitin na ang nasabing gamot para sa matandang Estrada.
Nagpabalik-balik si Erap sa intensive care unit ng ospital kung saan siya dinala noong isang buwan, matapos siyang tamaan ng Covid 19. Ganundin, hindi din pinainom si Erap ng Linghua Quingwen, isang kilalang gamot mula sa China, na sinasabing mabisa din laban sa Covid 19.
***
ESTRADA, DI PINAYAGANG UMINOM NG IVERMECTIN, PERO, GINAMITAN NG GAMOT NA DI PA DIN LUBOS NA NASUSURI: Ang siste lang, pinahintulutan ng mga manggagamot ang dating Pangulo na uminom ng gamot na tinatawag na Leronlimab, bagamat, gaya ng Ivermectin at Linghua Quingwen, ay sinusuri pa lamang hanggang ngayon.
Sa panayam naman tungkol sa Ivermectin sa Kakampi Mo Ang Batas noong Biyernes, Abril 16, 2021, kay Dr. Romy Quijano, isang dating propesor sa UP College of Medicine sa Manila, lumitaw na matagal ng napasinungalingan ang sinasabi ng maraming duktor na katig sa gobyerno na pang-hayop lamang ang nasabing gamot.
Niliwanag ni Dr. Quijano na nauna palang naimbento ang Ivermectin para sa mga tao, at ginamit na lamang ito para sa mga hayop ng mga sumunod na panahon. Lumilitaw din, sa pahayag ni Dr. Quijano sa palatuntunang ito, na milyon-milyong mga tao na sa mundo ang gumagamit ng Ivermectin sa ngayon upang labanan ang Covid 19, lalo na sa mga lugar na walang bakuna para sa kanila.
Mas nakakatakot gumamit ng bakuna ang mga tao upang ipanlaban sa Covid 19, dagdag din ni Dr. Quijano, sa kaniyang panayam sa Kakampi Mo Ang Batas. Ayon sa kaniya, mula noong Disyembre 2020 hanggang noong Marso 16, 2021, may naitalang higit sa limampung libong adverse effects sa mga nabakunahan sa Pilipinas, at ang mga adverse effects na ito ay nai-ulat na sa talaan ng Estados Unidos ng Amerika.
***
KOALISYON NG MGA COVID 19 FRONTLINERS SA AMERIKA, NAGPANUKALA NG MALAWAKANG PAGGAMIT NG IVERMECTIN: Niliwanag pa ni Dr. Quijano na hindi pa malalaman sa panahon ngayon kung mabisa nga ba ang mga bakuna o hindi. dahil kakailanganin ng mahabang panahon ng pagsusuri. Inulit ni Dr. Quijano ang kaniyang isinulat na online paper, sa kaniyang panayam sa Kakampi Mo Ang Batas noong Biyernes, Abril 16, 2021.
Sinabi niyang marami sa mga pagpapahayag ng government health officials at mga duktor ng mga local medical societies ang hindi makatotohanan sa tunay na epekto ng Ivermectin. Niliwanag niyang karamihan sa mga duktor sa bansa at sa buong mundo ay nakakatanggap ng “substantial amount of largese from Big Pharma”.
Binatikos ni Dr. Quijano ang pagtanggi ng gobyerno na gamitin ang Ivermectin sa mga may Covid 19, lalo na at wala pa namang available na bakuna para sa lahat ng Pilipino. Samantala, patuloy namang naninindigan ang isang grupo ng mga duktor sa amerika na bumubuo ng front liners against covid 19 na kailangang gamitin na ang Ivermectin ng mga tao na hindi pa nababakunahan.
***
Reaksiyon? Tanong? 0947 553 4855, batasmauricio@yahoo.com.
The post Ivermectin debate, umiigting dahil sa kaso ng Pangulong Erap appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: