Facebook

Kailan sisibakin sina Duque at Domingo?

KAMAKAILAN ay umani ng matinding suporta at papuri si Defense Secretary Delfin Lorenzana, una sa publiko at mula kay Presidente Rodrigo Roa Duterte sa matapang na pahayag nito laban sa China nang ipinawagan nito na lisanin na ng natitira pang 44 Chinese maritime vessel ang Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea (WPS).

Hindi lang si Sec. Lorenzana ang nanindigan sa panawagan sa China na igalang ang soberenya at exclusibong karapatan ng Pilipinas sa WPS, kasama ang Julian Felipe at iba pang isla na kasama sa Kalayaan Group of Islands pati si Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin at ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Management Association of the Philippines (MAP), Makati Business Club (MBC), Cebu Business Club (CBC) at Filipina CEO Circle.

Kami sa pahayagang ito ay nanindigan, kalakip ang panawagan sa China – kung itinuturing nga nito na tayo ay kaibigan – na ‘wag okupahan ang mga isla sa WPS at hayaan ang malayang paglalakbay at pangingisda ng ating mga kababayan sa naturang karagatan.

Hindi lang sinuportahan ng ating Pangulo si Lorensana kungdi iginiit pa niya nananatili ang paninindigan na tagumpay na nakamit sa karapatan ng Pilipinas sa ilalim ng United Nations Conference on the Law of the Seas (UNCLOS) na arbitration na inihatol sa Hague noong 2016.

Gayunman, ang tensiyon sa WPS ay hindi magiging mitsa sa giyera dahil naninindigan si Duterte na mareresolba ito sa mapayapang paraan.

Hindi isasakripisyo kailanman ni Duterte, tulad ng binanggit niya sa UN General Assembly, hindi ipamimigay ang ating national territory at ang ating mga exclusive economic zone sa WPS.
***
Ayaw natin ng digmaan laban sa China, at alam na natin ang magiging resulta nito kung mangyari man, kahit pa sumaklolo sa Pilipinas, ayon sa Mutual Defense Treaty natin ang US.

May ilang grupo, mga nagpapakilalang makabayang Pilipino ang nagpaparatang sa Pangulo na ito ay naduduwag sa lakas at militar ng China.

Hindi karuwagan ang isyu rito kungdi ang kahandaan natin na sumagupa sa isang digmaan – na alam natin sa panahong ito, wala tayong ikakaya at ito ang realidad ng puwersa militar ng Pilipinas.

Kapayapaan, hindi digmaan, ang solusyon sa tensiyon sa WPS sa ngayon.

\***

Mahigit nang isang taon tayong lockdown gawa ng “veerus” ng COVID-19 pero itong tropa nina Health Sec. Francisco Duque III, parang tulirong manok na walang ulo at hindi maisaayos ang kampanya versus COVID-19.

Nagkabakuna na tayo, pero imbes na bumaba, lalo lang dumami ang COVID cases na sumampa na sa mahigit na 800K at mahigit sa 15K ang namamatay.

Umaangal ang mga narses, doktor at health frontliners natin na bugbog na sa trabaho at marami na sa kanila ang nagkasakit at namatay.

Yung financial aid at mga gamit pamproteksiyon at maayos na pasilidad, wala pa rin.

Ginawa yatang “savings” ng DOH ang pera para sa kanila, na sabi ni Duque, naibigay na raw.

Sinungaling ka.

Ay naku, sabi nga US President Abraham Lincoln: “You can fool all the people some of the time, and some of the people all the time, but you can’t fool all the people all of the time.”

Mr. President, kailan po nyo sisibakin si Duque?

***

Mabuti pa ang Vietnam ay nakagawa na ng sarili nilang bakuna e tayo, umaasa sa limos na bakuna ng China; ito namang US, para sa kanila lang muna ang Pfizer at Moderna.

Ano ba ang silbi ng Department of Health at Department of Science and Technology natin at kaybagal sa pagtuklas ng mga gamot at bakuna laban sa COVID at iba pang sakit.

Umaasa na lang tayo sa foreign big pharma, e ang alam natin, noon ay may pagawaan na tayo ng sariling bakuna.

Anyari sa ating mga bantog na inventor, scientist, microbiologist at epidemiologists?

Hindi sa COVID-19 ang ikamamatay natin kungdi ang gutom at palpak na pagpapatupad ng ECQ, MECQ at ang kawalan natin ng disiplina sa sarili.

May gamot na sinasabing nakagagaling sa COVID tulad ng Ivermectin.

Marami nang pag-aaral sa ibang bansa ang nagpapatunay na nakapagpapagaling ang gamot na ito, pero usad-kuhol si Dr. Eric Domingo ng Food and Drugs Administration (FDA) sa udyok ni Sec. Duque, ayaw mag-conduct ng actual testing para malaman ang effectiveness at efficacy ng Ivermectin.

Mismong si dating Senador Juan Ponce Enrile at maraming doktor na ang nagpapatunay na epektibo nga laban sa COVID-19 ang Ivermectin pero ayaw kumilos sina Domingo at Duque.

E, wala yata silang kikitain sa gamot na ito, ayon sa mga hinala at iniisip ng maraming netizen at mga doktor.

Mas pabor sa big pharma sina Duque at Domingo sa tingin natin.

Ay kailan kaya kayo sisibakin ni Tatay Digong?

Kung 1`million na ang dedbol na Pinoy sa COVID-19?

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.

The post Kailan sisibakin sina Duque at Domingo? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kailan sisibakin sina Duque at Domingo? Kailan sisibakin sina Duque at Domingo? Reviewed by misfitgympal on Abril 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.