NAGKAMALI ang maraming manghahalal noong 2016 ng iboto at manalo ang isang mapagpanggap na kandidato na ibig maging dakila sa mata ni Mang Juan. Gagawin ang pag Jetski at itatayo ang bandila ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea, upang ipakita sa mga umaangkin sa mga isla na may tatayong pangulong ipaglalaban ang teritoryong nasasakupan laban sa mga umaangkin nito.
Subalit kabalintunaan ang lahat ng pahayag na ito. Simula ng manalo at umupo sa panguluhan, lumabas ang tunay na katauhan na siya’y kayumangging intsik na nagnanais na masakop ang bansa ng mga di palulupig sa kamay ng mga intsik na walang ginawa kundi ang gayahin ang anumang bagay na pwedeng pagkakitaan.
Simula ng umupo sa puno ng balite ng Malacanan si Totoy Kulambo, nagdiwang ang mga kababayan nitong mga intsik dahil mapapadali ang pagpasok nito sa bansa upang maghasik ng kabalbalan at bisyo na pinaghaharian ng kanilang kababayan. Nariyan ang peketos na pagpapasara sa mga sugalan na pinamumunuan ng mga crony ng nagdaang diktador.
At ng makopo ang pagpapatakbo ng sugalan, nanahimik na at ang pagpasok ng pera ang inatupag. At alam ni Mang Juan na hindi nakikita ni TK ang SALN maging ang mga bank accounts na pinapasukan ng di mabilang na halaga. Unang modus na talagang nagpapasok ng salapi sa sarili niyang lukbutan at hayahay ang buhay.
Silipin natin ang operasyon ng mga POGO na minsan nang binigyan pansin sa kolum na ito. Mariin ang pagtuligsa ni Totoy Kulambo sa mga online gambling dahil nakakasira ito sa pag-aaral ng mga kabataan. Nariyan ang kabi-kabilang pang re-raid sa mga online gambling na ikinatuwa ni Mang Juan dahil maraming anak nito ang naloloko sa larong ito.
Tulad ng mga palabas, bida si TK sa mga pangakong wawalisin ang mga iligal na pasugalan maging ito’y isang online gaming. Pero ito’y isang modus, nang mapasakamay na ng kaalyado ang operasyon ng POGO hindi na maawat ang pagpasok ng mga intsik na kahit walang papeles hinahayaang pumasok at magtrabaho. Kung iligal man ang mga ito (instek) eh di gawing legal, alam ninyo sino ang may sabi nito
At ang masakit wala ng mga protocols na sinusunod, hindi hinahanapan ng kung anong papeles maging ng health clearance na dapat hingin sa pagtitiyak na wala itong sakit na dala. Ang resulta, tumaas ang pagdami ng C-19 sa bansa at naging palabigasan ng mga nasa pamahalaan. Mula sa pastillas scam hanggang sa usapin ng paggawa, hindi pa usapin ang bilyon-bilyong pondo sa pandemya na hindi malaman kung paano ipaliwanag ang pagkaubos. Subalit ang ‘di sorpresa, naging si Freddie Aguilar ang kayumangging intsik, naging bulag, pipi at bingi sa mga kaganapan at nakakabingi ang pananahimik kontra sa online gaming mula ng maisalin ang operasyon sa bataan nito.
Tunghayan natin ang ilang mga proyekto sa build,build,build program ni Totoy Kulambo. Sa mga naisarang mga utang na pinopondohan ng mga intsik, malinaw dito ang paglalagay ng kolatilya na ang kukuning mga obrero’y mga intsik na hindi makapagsalita ng English o Filipino. Di baling walang hanapbuhay si Mang Juan basta’t may maipakitang proyekto ang baliw sa Malacanan.
Tunay na walang malasakit sa Pilipinong obrero dahil sa kasunduan na walang kasiguruhan ng maayos na pagganap sa mga proyekto na para sa ating bayan o kung meron man o’ tila paghahanda ito sa hinaharap na pagsakop sa ating bansa. Sa dami ng mga intsik na pumasok sa bansa bilang mga obrero at ang bilang mga turista hindi malayo na kung magdeklara ng giyera ang amo ni TK laban kay Mang Juan nasa loob na ang kalaban. Sa mga inusal ni Totoy Kulambo na ipaglalaban siya ng kanyang kababayan at hindi pababayaan ng punong intsik tila alam nito na nasa tabi-tabi na ang kanyang mga tagapagtanggol, ‘di ang AFP ang tinutukoy nito.
Bilang paunang panghuli, hehehe, ang pinaka masakit sa lahat ng ginawa ng kayumangging intsik o ni Totoy Kulambo ang pagpapabaya sa mga isla ng bansa sa West Philippine SEA o WPS. Marami dito ang napasakamay ng kanyang mga kababayang singkit na walang pagtutol sa sino mang opisyal ng pamahalaan. Kahit naipanalo na ito ng bansa sa UNCLOS, sa pagbalewala nito sa pinasyang desisyon, unti-unting napasakamay ng bansang Tsina ang mga isla na pag-aari ng bansa.
Hindi nagkaroon ng pagtutol o pagtatanggol ang pamahalaang ito at hinayaan ang intsik na sakupin ito at magtayo pa ng mga huwad na isla malapit sa mga ito upang gawing mga base militar. At ang malungkot, inalis at itinataboy ang ating mga mangingisdang Pilipino sa mga islang pag-aari ng bansa. At ang katuwiran ni Totoy Kulambo, hayaan na yan at baka pagsimulan ng giyera.
Hindi ginawa ni TK ang kanyang gawaing bahay at kinalimutan na ang nanalong laban sa mga ito’y ang legal na paraan sa UNCLOS . O talagang nakangiti pa ito habang tinatanggap ang pagkawala ng mga islang sa ating teritoryo kapalit ng mga bakuna na inaayawan ni Mang Juan.
Ang mga usaping ito’y ilan sa maraming kalokohan na ginawa ni TK sa ating bansa at balatkayo ang balat na kayumanggi. Hindi maitatanggi ang nais nito’y ang mapasaya ang among XI kahit sa ngalan ni Mang Juan. Todo sipsip sa among singkit at baka makalimot at siya’y pabayaan. Ang kainaman ngayon, malinaw ang pagtanggap ni Xi kay TK bilang political exile sakaling patalsikin ito sa pwesto at ‘di bilang kalahi.
Malinaw na hindi nito ilalaban sakaling may pag-aalsa laban sa pamahalaan ni TK. Isa lang ang tiyak, na may tinakbuhang bansa na pwedeng kumupkop o kumanlong kay Totoy Kulambo sa oras na mapatalsik ito sa pwesto ngunit ang ilaban ito sa pananatili’y ibang usapan. Sa ngayon na tinututukan ng Estados Unidos ang kaganapan sa bansa at sa WPS hindi tataya si XI sa walang binatbat na kaalyado. Ang mabigyan ng kanlungan sa Huan ay sapat para kay Totoy Kulambo. Kaya sa kayumangging intsik ang pagkukusa sa pagbaba sa pwesto’y pag-isipan upang hindi kahiya-hiya ang lahi mo sa bayan.
Maraming Salamat po!!!
The post Kayumangging Intsik appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: