Facebook

Bong Go: Healthcare system paigtingin pa sa paglobo ng COVID-19 cases

IDINIIN ni Senator Christopher “Bong” Go ang kahalagahan ng pagpapaigting ng healthcare system sa harap ng paglobo ng COVID-19 pandemic at sa gitna ng ipatutupad na bagong quarantine status sa National Capital Region Plus bubble sa darating na Mayo.

Sa kasalukuyan ang NCR Plus ay nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang April 30.

“Importante po dito, ‘di bumagsak ang ating healthcare system. Bantayan natin na dapat meron pang bakanteng hospital beds, lalo na sa severe and critical cases,” ani Go matapos pangunahan ang pagbubukas ng ika-103 Malasakit Center sa Carcar Provincial Hospital, Carcar City, Cebu.

“Ayaw natin mangyari na wala silang matakbuhan at naghihingalo sa emergency room dahil wala nang hospital beds. ‘Yun ang bantayan natin dito,” dagdag niya.

Tiniyak ni Go sa publiko na anuman ang maging desisyon ng gobyerno at ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa usapin ay ibinase ito sa masusing pag-aaral sa sitwasyon ng pandemya sa bansa.

“Kung anuman po ang magiging desisyon ng members ng IATF, I’m sure pinag-aralan nilang mabuti. Ako naman po, kung ie-extend, kung makakatulong na bumaba ang active COVID-19 cases, ay sang-ayon naman po ako kung sakaling ‘yun ang magiging desisyon nila. Suportahan po natin,” sabi ni Go.

“Ngayon, dito naman sa gobyerno, siguraduhin natin na walang magugutom. Kung sasaraduhan natin, maraming mawawalan ng trabaho,” anang senador.

Isinuhestyon ni Go sa IATF na ikonsidera ang pagbubukas ng mga piling industriya para masuportahan ang kabuhayan ng mga nawalan ng trabaho at makausad ang ekonomiya basta nasusunod ang minimum health protocols laban sa pagkalat ng COVID-19. (PFT Team)

The post Bong Go: Healthcare system paigtingin pa sa paglobo ng COVID-19 cases appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: Healthcare system paigtingin pa sa paglobo ng COVID-19 cases Bong Go: Healthcare system paigtingin pa sa paglobo ng COVID-19 cases Reviewed by misfitgympal on Abril 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.