Facebook

Travel restrictions higpitan, ikasa nang maayos vs COVID-19 variants — Bong Go

IGINIIT ni Senate Committee on Health chair, Senator Christopher “Bong” Go sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na irebyu, higpitan at ikasa nang maayos ang travel protocols para maiwasan ang pagpasok sa bansa ng bago at potensyal na COVID-19 variants mula sa ibang bansa.

Kasunod ng second wave ng COVID-19 infections sa India, pinuri ni Go ang naging desisyon ng pamahalaan na agad na ipatupad ang paghihigpit sa mga biyahero na nagmumula sa nasabing bansa .

Umapela rin siya sa concerned authorities na pag-aralan ang pagpapatupad ng kaparehong paghihigpit sa mga pumapasok na biyahero mula rin sa bansang Brazil na may mataas na bilang ng kumpirmado at aktibong kaso ng COVID-19.

“Habang sinusubukan nating masolusyunan ang pagtaas ng mga kaso sa Pilipinas, bantayan din natin ang mga pangyayari sa iba pang parte ng mundo para hindi ito mas lalong makaapekto sa kasalukuyang sitwasyon sa loob ng bansa. Umaapela ako sa gobyerno na pag-aralan ang posibleng pagpapatupad ng travel restrictions sa mga papasok mula sa mga bansa kung saan mataas ang kaso ng COVID-19, gaya ng Brazil, sa lalong madaling panahon,” ani Go.

Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang lahat ng biyahero mula sa bansang India o sa mga may travel history sa India sa loob ng huling 14 araw ay ibinabawal na pumasok sa Pilipinas simula April 29 hanggang May 14.

Nabatid na isinisisi sa B.1.617 variant ang paglobo ng kaso ng virus sa India. May dalawa itong mutations na mas mabilis humawa sa “human to human”.

Hiniling ni Go sa Department of Health na gawin ang lahat ng hakbang para mapalakas ang COVID-19 testing, contact tracing, case isolation at treatment efforts upang maihanda ang bansa sa potential increase ng infections.

“Kailangang palaging i-review ang existing border controls at paigtingin lalo ang mga travel restrictions, guidelines, timelines at exemptions na ipinapatupad natin. Maliban dito, paigtingin pa dapat ang mga hakbang ng gobyerno kontra COVID-19, katulad ng mas mabilis na vaccination roll-out, targeted testing, contact tracing, at iba pa,” apela ni Go. (PFT Team)

The post Travel restrictions higpitan, ikasa nang maayos vs COVID-19 variants — Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Travel restrictions higpitan, ikasa nang maayos vs COVID-19 variants — Bong Go Travel restrictions higpitan, ikasa nang maayos vs COVID-19 variants — Bong Go Reviewed by misfitgympal on Abril 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.