NAGING makulay ang biglang pagsulpot ng mga tinatawag na “community pantry”, kung saan, ang ilan sa ating mga kababayan ay nakapag-isip ng paraan kung paano matutulungan ang kanilang kapwa kahit na sa maliit na paraan.
“Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan”, ang tanging nakalagay sa ‘pantry’ na sa salitang tagalog ay paminggalan lamang ang tawag nong mga unang panahon,
Pero teka hindi ba’t parang hinango lamang ito sa tinuran ng sikat na rebolusyunaryong sosyqlistang si Karl Marx, isang German philospher na ang sabi “Jecher nach seinen Fahigkeiten, jedem nach seinen Bedurfnissen”. na salitang German, at sa English naman ay “From each according to his ability, to each according to his needs”.
Ganyang ganyan ang slogan sa mga pantry o paminggalan nating nakikita na ptuloy din dumadami at ginagawa na sa kahit saan.
Tila may kulay nga ang mga kataga, kaya naman sinipat agad ng mga namumuno sa ating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na baka nagagamit na ang ganitong style ng pagtulng o pakikipag-kapwa tao sa rebolusyong matagal nang isinusulong ng mga kaliwa o pulahan, walang iba kung di ang komunistang-teroristang samahan na Communist Party of the Philippines/New People’s Army (CPP-NPA).
Wala man intensiyon ang unang gumawa nito na si Anna Patricia Non na taga-Maginhawa Street na siyang malapit sa Union bersidad ng Pilipinas, eh tila may naamoy talagang pagkahalo ng mga kaliwa at pulahan sa naisipang paraan ng pagtulong ni Miss Non.
Sa pahayag ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr.,taga-pagsalita ng NTF-ELCAC nito lamang Martes, kinopya na ng mga ‘leftist group’ ang ideya ni Ms. Non. Kaya naman sila ay kumikilos na rin para tukuyin ang mga nag-oorganisa ng mga ganitong mga paminggalan sa iba’t ibang parte ng Metro Manila at karatig lalawigan.
Red-tagged naman ang sagot ng karamihang laging naka-salungat sa pamahalaang pinatatakbo ang Administrasyong Duterte. Pinakiki-alaman daw agad ang mga naisipang pag-tulong ng mga ordinaryong Filipino.
Hindi ba nakulayan agad ng pulitika ko ang mga pantry o paminggalang ginawa at pina-uso ng ilan nating kababayan. Dahil nagsakayan na, lalo na yun mga urot sa pamahalaan. Alam nating trabaho lang ang dahilan ng NTF-ELCAC, at bukod diyan ang lahat ay epal na.
Mahalaga mga kababayan ko, ang tangi pa rin nating isa-isip diyan ay ang kaligtasan na di magkahawaan ng virus na COVID-19. Nagpapalit-palit na sa mga kamay na humawak sa mga inilagay natin sa paminggalan. Sigurado ba tayong ‘sanitized’ ang mga yan? Ang pila ba ng mga nangangailangan at ng mga nagbibgay ay sumusunod ba sa social distancng?
Ang mga bagay na yan ang pinaka-importante pa rin. Mas maganda nga kung talagang pagbabayanihan at pagtutulungan ang gusto nating pairalin, bakit hindi na lang mga lutong pagkain ang ating ipamahagi. Hind ba’t yan naman ay talagang matagal nang kagawian? Sa magkakapit-bahayan lang, nangyayari pa rin yan, di ba? Nagbbigayan ng ulam o ano mang pagkaing pwedeng pagsaluhan, o kaya naman ay talagang pinasobrahan para sa pamilya dahil mayroong ipinagdidiwang na kasiyahan.
Maganda ang hangarin ng paminggalan, di ko nga alam bakit ‘pantry’ at salitang ingles pa ang nagamit para lang tawagin ang simpleng pagbibigayan sa pamamagitan ng paminggalan.
The post Makulay na paminggalan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: