Facebook

Raket ng mga ospital sa COVID-19

MARAPAT lamang marahil imbestigahan ng DOH at ng IATF ang mga ospital natin patungkol sa anomalyang pagdami ng mga bilang ng Covid -19 cases natin sa ngayon.

Nakakalungkot na mas pinapaboran pa ng mga ospital ang mga Covid patients kesa sa mga may ibang karamdaman na isinusugod sa mga pagamutan.

Karamihan sa mga isinusugod sa emergency rooms ng mga ospital natin ay di tinatanggap at halos ipagtabuyan pa.

Kung hindi ka Covid positive, mamamatay kang dilat paniguro ‘yun.

Marami na tayong mga kababayan ang naka-experience na ng mga ganitong pangyayari.

Literal na nagsusumamo at nagmamakaawa ang mga kamag-anak ng mga pasyenteng naghihingalo na tinatanggihan sa mga pagamutan natin.

Sasabihin sa inyo na ilipat na lamang ng ospital ang inyong naghihingalong pasyente dahil puno na sila ng mga Covid patients.

Anong ka-demonyohan ito?

Naging priority na ng mga ospital natin ngayon, masaklap mang aminin ay yaong mga Covid cases dahil ang tingin ng mga pagamutan dito ay mga bibeng nangingitlog ng ginto, mga asong tumatae ng kuwarta!

Kung baga sa police parlance, mga patabaing baka na handa at puwedeng gatasan ng one to sawa!

Ayon sa ating mga nakapanayam na hospital insiders na nakokonsensiya na sa pinakabagong modus operandi ng mga pagamutang ito, malaki ang kinikita ng mga ospital nating ito pagdating sa mga pasyenteng may Covid-19 dahil mismong ang gobyerno o PhilHealth ang nagbabayad o sumasagot sa kanilang hospital bills.

Di kagaya ng mga ordinanryong pasyenteng nagkakasakit o naaaksidente na paiyakan sa singilan lalo na kung public hospital ang pinagdalhan.

Kung mamamatay ang isang pasyenteng may Covid-19, mas pabor ito sa mga pagamutan dahil mas mataas ofcourse ang masisingil sa Philhealth.

Ang masakit, kahit hindi Covid case ang sanhi ng pagkamatay ng isang pasyente, ginagawang Covid na rin at napapapayag ang pamilya ng namatay dahil ino-offeran ng kuwarta o komisyon.

Kung ikaw ang pamilya ng isang pasyenteng namatay pero di dahil sa Covid at wala kang pangbayad sa hospital bills mo, hindi ka kaya pumayag na gawin Covid case na ang ikinamatay ng iyong kaanak?

Wala ka nang babayaran bills, may pera ka pang maiuuwi o maisusubi.

Ang masakit pa nito, pagpumayag ang mga kamag-anakan ng pasyenteng nasawi, agad itong kukunin ng punerarya at ikri-cremate at ni hindi mo man lamang masisilayan labi ng iyong mahal sa buhay.

Masaklap na katotohanan pero nangyayari at patuloy na nagaganap.

Trauma rin ito sa mga kamag-anakan dahil madi-discriminate kayo ng inyong mga kapitbahay at kalugar at pandidirihan.

Marapat lamang na silipin ang katarantaduhang ito na ginagamit at pinagsasamantalahan ng mga tarantadong indibidwal para pagkakuwartahan.

Panggagahasa ito sa pondong nakalaan para sa paglaban sa pandemya at sa mga biktima ng Covid-19.

Nasasabotahe ang malinis na layon at hangarin ng gobyerno.

Kulang ang bitay at garrote sa mga taong ito na sobrang sama at itim ng kalooban.

Mga kampon ng demonyo!
Mga walang konsensiya, namatayan na nga, ginamit pa para pagkakuwartahan at pagkakitaan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post Raket ng mga ospital sa COVID-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Raket ng mga ospital sa COVID-19 Raket ng mga ospital sa COVID-19 Reviewed by misfitgympal on Abril 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.