Facebook

KERWIN ESPINOSA, ARESTADO SA KASONG MONEY LAUNDERING

MULING inaresto ang itinuturing na drug lord na si Kerwin Espinosa sa kasong money laundering.
Sa bisa ng warrant of arrest na pinalabas ni Judge Mario O. Quinit ng Ormoc Leyte RTC Branch 12, 8th Judicial Region, dinampot ng grupo ni PLt Col. Noel Aliño, OIC DIDMD, nakukulong si Espinosa sa punong tanggapan ng National Bureau of Investigation sa Taft Avenue, Maynila.
Si Espinosa may pangalan ding Rolan Espinosa y Eslabon, @ Kerwin Espinosa, 40-anyos, at residente ng Albuera, Leyte.
May kinalaman ang warrant of arrest sa labing-isang [11] bilang ng paglabag o 11 counts sa Republic Act 9160, mas kilala bilang anti money laundering act.
Para sa pansamantalang paglaya ni Espinosa, inirekomenda ni Judge Quinit na maghain ng ₱140,000 piyansa para sa bawat bilang ng kaso o kabuuang ₱1,540,000.
Bukod sa naturang kaso, nahaharap din si Espinosa sa kaso ng bawal na droga sa Manila RTC.(Jocelyn Domenden)

The post KERWIN ESPINOSA, ARESTADO SA KASONG MONEY LAUNDERING appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
KERWIN ESPINOSA, ARESTADO SA KASONG MONEY LAUNDERING KERWIN ESPINOSA, ARESTADO SA KASONG MONEY LAUNDERING Reviewed by misfitgympal on Abril 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.