Facebook

Kristina Knott nasungkit ang silver sa Florida

PINALAKAS pa ni Fil-American trackster Kristina Knott ang kanyang kampanya para sa Olympic spot matapos masungkit ang silver medal sa Pure Athletics Spring Invitational sa Clermont,Florida.
Knott, na double gold medalist sa 2019 Southeast Asian Games, ay may oras na 11.36 seconds sa women’s 100 meters sa likuran ni Angela Tenoria 11.33 seconds performance.
Ito ang ikalawang silver medal para kay Knott matapos ang parehong runner-up finish sa 93rd Clyde Littelfield Texas Relays sa Austin nakaraang Linggo.
Subalit, gumanda ang kanyang oras kumpara sa Texas relays, kung saan may oras na 11.54 seconds.
Binura ni Knott ang national record ng 33-year old Lydia de Vega-Mercado sa oras na 11.27 seconds sa karera sa lowa nakaraang taon.
May tsansang ma qualify si Knott sa Tokyo Olympics kapag nalampasan niya ang standard time na 11.15 seconds.
May nakapila pang ilang karera si Knott sa Florida kabilang ang Miramar Invitational at iba pang karera sa Gainesville.

The post Kristina Knott nasungkit ang silver sa Florida appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kristina Knott nasungkit ang silver sa Florida Kristina Knott nasungkit ang silver sa Florida Reviewed by misfitgympal on Abril 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.