Facebook

Skeleton workforce, ‘di lockdown sa DAR

MATAPOS humiling ng lockdown sinagot ng management ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang kahilingan at panawagan ng unyon ng Department of Agrarian Reform Employees Association (DAREA) para sa pansamantalang lockdown ng two weeks (2) ng Central office ng DAR sa Elliptical Road, Quezon City dahil umano sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19.
Ayon sa isang pahinang Memorandum ng DAR management na pirmado ni Atty. Luis Meinrado C. Pañgulayan Undersecretary for Legal Affairs Chief Implementor Protocol Committee tinanggihan ng Malacanang ang kahilingan ng unyon ng DAR na magkaroon ng dalawang linggong (2) lockdown sa opisina ng DAR Central office.
Nabatid sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea nabatid na tinanggihan ng Palasyo ang kahilingan ng Department of Agrarian Reform Employees Association (DAREA) na magpatupad ng lockdown at sinabing dapat magpatupad na lamang ang DAR ng alternatibong pagsasaayos sa pamamagitan ng skeleton workforce (30% workforce) upang magpatuloy ang pagbibigay ng serbisyo publiko.
Magugunitang nauna rito dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 nanawagan ang unyon ng DAREA na pansamantalang i-lockdown ng two weeks (2) ang Central office ng DAR sa Elliptical Road, Quezon City.
Ginawa ang panawagan ni DAREA National President Jocelyn A. Chua matapos maalarma ang mga empleyado at kawani ng DAR sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa naturang tanggapan.
Sinabi pa sa kautusan ng Head of Office upang matiyak ang skeleton workforce ay pinapayagan sa ilalim ng protocols ang work on site habang ang iba naman ay nasa work from home at dapat magpatupad ng alternative work arrangement.(Boy Celario)

The post Skeleton workforce, ‘di lockdown sa DAR appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Skeleton workforce, ‘di lockdown sa DAR Skeleton workforce, ‘di lockdown sa DAR Reviewed by misfitgympal on Abril 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.