Facebook

LOCKDOWN: SINO ANG NAKIKINABANG?

HINDI ba kayo nakahahalata at sobrang nababahala? Pinaiikot na ang mamamamayan sa Kamaynilaan at karatig sa pagpapatupad ng community quarantine.

Actually sinasabi lang na extension pero tuluy-tuloy naman ang implementasyon ng quarantine mula pa noong nakaraang taon na nareresulta ng bukas-sara ng ekonomiya sa kanilang TRIAL and ERROR na sistema.

Iluluwag na kaunti para modified kuno pero kapag nagbigay ng dagdag numero ang istadistika mula sa nakadududang report ng DoH at IATF ay dusa na naman si pobreng Juan na kukulungin muli sa bahay im-bes maghanapbuhay kahit tumutugon na sa health protocol nilang face mask, face shield, alcohol, hugas- kamay at social distancing.

Sino ba ang mga natutuwa at wa-epek kahit taon pa ang abutin ng lockdown?

Op kors iyong maraming istak sa kanilang baul, mga pulitiko na switik kahit iyong mga patas (taga-IATF ang iba) kasi may panggastos sila kahit tumigil ang hanapbuhay.

Iyong ilang mga LGU’s at taga social welfare na makikinabang sa madedekwat na ayuda para sa tao mula sa gobyerno nasyunal pero hindi buong nakararating sa tao. Pruweba ito noong nakaraang taong ayuda na sa waes na bulsa napunta ang cash’witikan, meron bang naparusahan?

Iyong mga kupalitikong makakakupit ng cash relief ay pambili na nila ng boto sa darating na eleksiyon 2022.

Mga tiwaling doktor na tumitipak sa paggamit sa nakauumay na covid na di basta kita lang kundi kamal ng limpak na salapi.

Ang sasalo ng dusa ay ang masang manggagawa partikular silang arawang trabahador, small and medium entrepreneurs,free lancers, industriya ng sining at larangan ng sports , iyong mga kahig nang kahig pero halos walang matuka at iba pang sektor na napaikot ng kapraningang gawa ng kasamaan.

Paano kung di na magbago ang numero? Matatagalan pa ba ito ng sambayanan?

Panahon na para pagtuunan ng kumprehensibong atensiyon ang tunay na pinanggagalingan ng numero ng mga nagpopositibo.

Gaano katotoo kung covid nga o dati nang karamdaman ang deklarado para isama nila sa covid stats?

Dapat iestablisa kung ang kinatakutang virus nga ang dahilan ng pagtaas ng mga may sakit .Wala na ngang naglalabas ng numero ng mga namamatay sa ibang deadly na karamdaman ng tao.( Baka kahit na karaniwang pilay ay virus na ang dahilan?)

Tingnan din ang anggulong pulitikal dito. Posibleng may sumasabotahe na masasamang elemento sa pulitika para pasamain ang administrasyon o mismong taga – gobyerno na ang loyalty ay nasa kabilang bakod (unfair na ito sa Pangulong lahat nang paraan makabubuti sa Pilipino ay ginagawa ang marapat ), pero may mga ungas na kunwari ay kasangga pero nagsasamantala na bago mawala sa puwesto sa susunod na taon.

Kelan matatapos ang kapraningan sa covid na iilang porsiyento lang ang nalalagas kumpara sa malaking bilang ng mga gumagaling. Napakatalino na ng tao lalo ngayong pinaliit na ng kompyuter ang mundo .

Pero sa salot na covid ,lumiit ang utak ng mga dalubhasa sa siyensiya .

Nagoyo na ba ang tao ng mga demonyong lumikha ng PLAN’DEMIC?

Hindi kailanman mananaig ang kasamaan kontra KABUTIHAN…AMEN!

Lowcut: Bakit ang mga demonyo sa mundo ay di nagkaka-covid? Iyong mga salot sa lipunang oposisyon kuno kontra pamahalaan. Silang mga kriminal, mga banal na aso at santong kabayo sa lunduyan ng mga tao, covid-free ba sila? Reaksiyon sa # 09199845253.

The post LOCKDOWN: SINO ANG NAKIKINABANG? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
LOCKDOWN: SINO ANG NAKIKINABANG? LOCKDOWN: SINO ANG NAKIKINABANG? Reviewed by misfitgympal on Abril 06, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.