VIRAL ngayon sa social media ang post ng kapatid ng lalaking nasawi dahil sa naranasang “parusa” ng mga pulis dahil lamang sa paglabag sa curfew.
Narito ang post ni Adrian Lucena ng General Trias, Cavite:
“Mayroon po kami hawak na video ng kuya ko kung paano po siya nahihirapan kumilos dahil sa pagpaparusang ginawa sa kanya bago siya mawala.
Siya po si Kuya Darren Manaog Peñaredondo. Nahuli po kasi siya nung Huwebes ng gabi ng mga pulis. Bumili po kasi siya ng tubig curfew hour. Tapos sabi niya po pinag-pumping sila ng 100x ng sabay sabay kaya naka-ilang ulet sila. Sabi niya nasa 300 daw nagawa nila. Ito po ay nangyari sa munisipyo ng Malabon, General Trias, Cavite. Umuwi po siya ng Friday ng 8:00am, hindi na siya makalakad ng maayos. Tapos Sabado ng madaling araw nag-combulsion siya, na-revive pa namin sya sa bahay. Sinumpong ulet siya, na-revive ulet kaya lang comatose na siya. Hanggang ngayong 10:00pm wala na. Tapos sinabi rin niya sa akin na ilang beses pa siyang natumba habang pinagpa-pumping sila.”
Ang post na ito ay umani ng matinding simpatya at galit ng netizens. Ako rin ay galit na galit habang binabasa ito.
O kors dinenay ito ng mga pulis ng General Trias.
Pero kahit idenay ng mga pulis ng 300 beses ang nangyaring ito kay Darren ay walang maniniwala sa kanila. Dahil kapani-paniwala ang post na ito ni Adrian Lucena. Oo! Batid natin kung gaano kasinungaling at ka-tuso ang mga pulis. Tataniman ka pa nga nila ng ebidensiya madiin lang sa kaso at maging bida sila. Mismo!
Imagine… pag-push-apin ka ng 300 times. Eh kahit siguro may regular exercise ka ay hindi mo ito kakayanin lalo kung may problema sa puso. Kahit nga siguro silang mga pulis ay hindi magawa ang mag-pump ng kahit 50 times eh. Yes!
Masyadong abuso sa kapangyarihan ang mga pulis na may gawa nito.
Bakit kailangan pang pahirapan ang mga tao na lumabag lang sa curfew eh ‘di naman ito krimen. Tama nang i-detain lang sila magdamag. Ito naman talaga ang parusa sa curfew, right?
Maari ring patawan nalang ng community service o pagmultahin ang curfew violators, ayon sa umiiral na mga ordnansa?
Paano ngayon ‘yan? Maibabalik pa ba ng mga gagong pulis ng GTC ang buhay ni Darren Manaog Peñaredondo? Hindi!
Dapat managot ang mga pulis na ito pati ang kanilang opisyal sa pagkamatay ni Darren. Pag-push-apin din sila ng 300 times ng tuluy-tuloy, tapos itapon sa Sulu o kaya’y sa rebel-infested areas. Doon nila ilabas ang pagiging abusado! Peste!!!
***
SA tingin ko matatapos lang ang problema sa Covid-19 sa 2022 election, kapag wala na sa puwesto ang mga palpak na opisyal ng Duterte administration.
Oo! Kahit ilang buwan pang paulit-ulit na lockdown ay hindi mawawala itong Covid-19 hangga’t sila-sila parin ang namumuno. Pustahan!!!
Remember, noong konti palang ang kaso ng Covid-19 sa bansa ay nag-lockdown na tayo ng 3 months (90 days). Nationwide iyon, hindi tulad ngayon na limang erya lang ang naka-lockdown, kungsaan labas-pasok parin ang mga tao mula sa “NCR bubbles” na may mataas na kaso ng Covid-19.
Sa 90 days lockdown na iyon, hindi nalusaw ang virus, lalo pa ngang dumami, at nagka-virants na ngayon. Bunga ito ng kapalpalpakan ng mga namumuno. Mismo!
So, paano mapapalayas ang incompetent officials na ito? Pa-litan ang kanilang lider sa 2022. Tapos papanagutin sila sa mga ginawa nilang pasakit sa mamamayan. Mismo!
The post Mga gagong pulis ng General Trias, Cavite appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: