Facebook

Kuta ng BIFF pinaulanan ng bomba sa Maguindanao

BINULABOG ng sunod-sunod na putok ng 105mm Howitzers cannon ang kuta ng mga terorista sa Maguindanao 3:30 ng madaling araw nitong Lunes .
Sa ulat ng 6th Infantry (Kampilan) Division, namataan ng mga sundalo ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa SPMS Box.
Kaya muling nagsagawa ng artillery bombardment ang Joint Task Force Central laban sa mga rebelde.
Nagdulot naman ito ng takot sa mga sibilyan na lumikas patungo sa mga ligtas na lugar.
Unang sinabi ni 6th ID Spokesman Lieutenant Colonel John Paul Baldomar na nagsagawa ng calibrated law enforcement operation ang Joint Task Force Central para mapigilan ang masamang plano ng mga terorista, kagaya ng pananalakay at pambobomba.
Sa ngayon, umakyat na sa pito ang nasawi sa BIFF at marami ang nasugatan sa operasyon ng militar sa Maguindanao.

The post Kuta ng BIFF pinaulanan ng bomba sa Maguindanao appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kuta ng BIFF pinaulanan ng bomba sa Maguindanao Kuta ng BIFF pinaulanan ng bomba sa Maguindanao Reviewed by misfitgympal on Abril 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.