Facebook

Lola Ni Hipon Girl, May Nasabi Kay Alex Gonzaga Matapos Malaman Ang Presyo Ng Mga Regalo Ng Vlogger

Biniro ng lola ni Harlene Budol, na mas kilala bilang Hipon Girl, ang sikat na personalidad na si Alex Gonzaga. Ito ay matapos regaluhan ng huli ang kanyang apo ng Gucci products na nagkakahalagang Php 250,000.

Nito nga lamang, nagtrending ang vlog collaboration nina Alex at Harlene. Sa “shopping prank” ni Alex, talaga namang grabe ang naging iyak ni Harlene, matapos nga itong lokohin nina Alex na kailangan niyang magbayad ng ilan ding sentimo sa ginastos ni Alex sa mga Gucci na sapatos at bag nito.

Sa isang video naman ni Harlene, na kanyang pinamagatang “UNBOXING GUCCI”, kung saan kaniyang ipinakita ang mga gamit na binili ni Alex sa kaniya. Punong-puno ng katatawanan ang mga kaganapan sa video na ito ni Harlene.

Pahayag pa nito, hindi pa raw siya gumagastos ng pera ng ganoon. Sa buong buhay niya raw ay hindi pa lalampas sa limang libo ang malaking perang ginastos para sa sarili. Ito raw ay dahil nag-iipon siya para sa kinabukasan ng pamilya.

Nang kanyang tanungin ang lola sa video kung anong masasabi nito sa pagbili ni Alex sa kaniya ng mga kagamitang iyon, tila nagulat at hindi makapaniwala ang matanda. Hindi rin naiwasan ng lola ni Harlene na magbiro,

“Ano? Two hundred fifty thousand? Alex, sana pinera mo na lamang, para napagawa namin ng bahay,” saad ng matanda.

Labis naman ang naging tawa ni Harlene at nang ilan pa nilang kasama sa bahay sa naging pahayag ng kanyang lola.

Ngunit, hindi lamang sila, kundi ang marami ring netizens ang natawa rito. Marami rin ang nakarelate sa lola ni Harlene, na ang ganoon kamahal na bag ay kanila na lang ring peperahin.

Kahit puro biro man si Harlene na kaniya na lamang ibebenta ang mga mahal na gamit, hindi maitatangging mahalaga ang mga ito, hindi lamang dahil sa presyo, kundi dahil isa itong regalo.

 

The post Lola Ni Hipon Girl, May Nasabi Kay Alex Gonzaga Matapos Malaman Ang Presyo Ng Mga Regalo Ng Vlogger appeared first on Make To Simplify.


Source: We Buzz News
Lola Ni Hipon Girl, May Nasabi Kay Alex Gonzaga Matapos Malaman Ang Presyo Ng Mga Regalo Ng Vlogger Lola Ni Hipon Girl, May Nasabi Kay Alex Gonzaga Matapos Malaman Ang Presyo Ng Mga Regalo Ng Vlogger Reviewed by misfitgympal on Abril 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.