
Patay na ang mag-ina nang hindi nakalabas sa nasunog na bahay sa San Vicente Subdivision, Barangay Poblacion, Leganes, Iloilo.
Kinilala ang mga biktima na sina Ana Vivien Ganon, 49 at anak nito na si Anthony Quin Ganon, 21.
Habang kritikal naman ang isa pang anak ni Vivien na si Andrew Vince Ganon, 16.
Ayon kay Fire Senior Superintendent Atty. Jerry Candido, regional director ng Bureau of Fire Protection (BFP) Region 6, na halos hindi na makilala ang mag-ina ng matagpuan.
Napag-alaman na dalawang palapag ang bahay at hindi kaagad na nakalabas ng kanilang kwarto ng mangyari ang sunog.
The post Mag-ina natusta sa nasunog na bahay appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Mag-ina natusta sa nasunog na bahay
Reviewed by misfitgympal
on
Abril 17, 2021
Rating:
Walang komento: