Facebook

Magpinsan, sinaksak ng PWD nang gawing ‘mic’ ang putol na braso

Sinaksak ang magpinsan ng isang person with disability na putol ang isang kamay sa Mangaldan, Pangasinan.
Sa report, nasaktan ang PWD nang paglaruan siya ng mga biktima at gawing “mikropono” ang putol nitong braso.
Kinilala ang mga biktima na sina Gerry Basa, 33-anyos; at Rodrigo Nisperos, 34.
Arestado naman ang PWD na aminado sa ginawang krimen na si Jorge Frianeza, 54, ng Barangay Anolid.
Ayon kay Police Lieutenant Jun Wacnag, hepe ng Mangaldan Police Station, nag-iinuman sina Frianeza at mga biktima na nauwi umano sa pambu-bully ng magpinsan sa PWD.
Noong una, hinayaan lang ni Frianeza ang ginagawa sa kaniya ng dalawa dahil batid niyang lasing na ang mga ito.
Pero nang nagpatuloy daw ang ginagawa ng mga biktima, napilitan na siyang lumaban.
Depensa ni Frianeza, ipinagtanggol lang niya ang sarili laban sa ginagawa sa kaniya ng magpinsan.
Dinala sa ospital ang magpinsan at isa sa kanila ang kritikal ang kalagayan at hindi pa rin nakakausap.
Inihahanda na kasong frustrated homicide na isasampa laban kay Frianeza.

The post Magpinsan, sinaksak ng PWD nang gawing ‘mic’ ang putol na braso appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Magpinsan, sinaksak ng PWD nang gawing ‘mic’ ang putol na braso Magpinsan, sinaksak ng PWD nang gawing ‘mic’ ang putol na braso Reviewed by misfitgympal on Abril 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.