Facebook

Maling ‘red-tagging’ lang ang taktika ng NTF — ELCAC

NAGKAROON ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pamahalaan makaraang ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipag-usap ng pamahalaan sa komunistang pangkat ni Jose Ma. Sison, sa pamamagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Dahil sa pagsunod ni Duterte sa kagustuhan ng mga heneral mula sa Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP), inabandona ng pangulo CPP.

Pokaragat na ‘yan!

Nasunod ang mga heneral sa pagsusulong ng konseptong gawing lokal ang paglaban ng pamahalaan sa CPP at armadong yunit nitong New People’s Army (NPA).

Ito ang konteksto kung bakit nadagdagan ng NTF – ELCAC ang burukrasya.

Napakasipag ng NTF – ELCAC, lalo na ang mga tagapagsalita nitong sina Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. at Undersecretary Lorraine Badoy, laban sa CPP, NPA at mga aktibista.

Kaso, kapansin-pansin na nakapokus sa taktikang “red – tagging” sina Parlade at Badoy.

Inaakusahan at minamarkahan nina Parlade at Badoy ang sinumang aktibista at mga personalidad na nakikipagkaisa sa mga aktibista na mayroong kaugnay, o kasapi ng CPP.

Pagkatapos isagawa ang red – tagging, nababatikos lang nang todo sa media, kabilang sa social media, sina Parlade at Badoy.

Pokaragat na ‘yan!

Kaya, talo ang pamahalaan sa taktikang red – tagging.

Hindi matatalo ng administrasyong Duterte ang CPP, NPA at mga prenteng organisasyon ng CPP kung red -tagging lang magtutuon sina Parlade at Badoy.

Malinaw ang layunin ng NTF – ELCAC na paunlarin ang mga barangay sa iba’t ibang parte ng bansa na ‘nakalaya’ na mula sa pa pagiging base ng CPP at NPA upang tuluyang mawala ang suporta at tiwala ng mamamayan sa CPP at NPA.

Ang pagpapaunlad ng mga barangay , o lokalidad, ay siyang totoong mainam at tamang taktika kung ang batayan ng suporta at tiwala ng mamamayan sa CPP at NPA ay malalang kahirapang kanilang naranasan sa napakatagal na panahon.

Hindi para sa red – tagging ang pondo ng NTF – ELCAC.

Ang pagpapaunlad ng mga barangay ang siyang dahilan kung bakit bilyun-bilyon ang pondong inilaan ng Kongreso sa NTF – ELCAC.

Kung sa pagsasagawa lamang ng red – tagging lang magpopokus sina Parlade at Badoy, walang dudang sayang lang ang pagkakaroon ng NTF – ELCAC.

Sayang lang ang bilyun-bilyong salapi ng pamahalaan na inilaan sa NTF – ELCAC.

The post Maling ‘red-tagging’ lang ang taktika ng NTF — ELCAC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Maling ‘red-tagging’ lang ang taktika ng NTF — ELCAC Maling ‘red-tagging’ lang ang taktika ng NTF — ELCAC Reviewed by misfitgympal on Abril 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.