Facebook

Pagtatayo pa ng “pop-up” o modular hospitals, pinuri ni Bong Go

PINURI Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na masolusyonan ang kakulangan ng health facilities dahil sa paglobo ng mga nahahawahan ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagtatayo pa ng “pop-up” o modular hospitals para magamot ang mga nasa malubha at kritikal na pasyente.

“Kinokomendahan ko po ang inisyatibo ng gobyerno na paramihin pa ang mga medical facilities natin na nariyan upang tumugon sa mga pangangailangan ng ating COVID-19 patients,” ayon kay Go.

Ayon sa senador, dapat lamang na maging handa parati lalo’t ayaw nating makita na may pasyente na naghihingalo at hindi man lang matulungan ng gobyerno.

“Kaya naman napakahalaga ng ginagawang ito ng gobyerno. Gawin natin ang lahat ng ating makakaya para mailigtas ang buhay ng mga nagkakasakit,” aniya.

Inihayag ng Department of Public Works and Highways na plano nitong magtayo ng temporary treatment, monitoring facilities at off-site hospitals sa Metro Manila para masilbihan ang mga kababayan nating nadaragdag sa mga nagkakaroon ng COVID-19 infections.

Ang ilang mga pangunahing ospital, tulad ng Lung Center ng Pilipinas sa Lungsod ng Quezon, ay nagsimula nang palawakin ang kanilang kakayahan at pasilidad na nagpapahintulot sa mas mabilis na konstruksyon.

Isang mega modular hospital ang plano ring itayo sa National Center for Mental Health compound sa Mandaluyong City.

Isinusulong din ng DPWH ang konstruksyon ng three-cluster units ng off-site dormitories na magsisilbing pansamantalang tuluyan ng medical frontliners na nagsisilbi sa NCMH.

Nauna rito, may naitayo na ang DPWH na modular facilities para ma-accommodate ang marami pang pasyente sa Lung Center. May temporary shelter na rin para sa frontliners dito na nangangalaga sa COVID-19 patients.

Nitong April 6, dinaluhan ni Go ang blessing at turn-over ceremony ng Department of Health-Quezon Institute Off-Site Modular Hospital sa Quezon City.

Ang nasabing modular facility ay 110-bed capacity off-site modular hospital na nagsisilbing extension ng Jose R. Reyes Memorial Medical Center na matatagpuan sa Quezon Institute.

“Dagdagan pa po natin ang mga ganitong pasilidad para maisalba ang buhay ng kapwa nating Pilipino. Huwag natin hayaan na may mamamatay dahil walang malapitang pasilidad na mag-aalaga at gagamot sa kanila,” ang apela ni Go.

Sa kasalukuyan, ang DPWH ay may natatapos nang 635 COVID-19-related health facilities sa buong kapuluan, 139 dito ay matatagpuan sa National Capital Region. (PFT Team)

The post Pagtatayo pa ng “pop-up” o modular hospitals, pinuri ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagtatayo pa ng “pop-up” o modular hospitals, pinuri ni Bong Go Pagtatayo pa ng “pop-up” o modular hospitals, pinuri ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Abril 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.