Facebook

MAS PINALAKAS NA NORTHPORT BATANG PIER HANDA NA SA PBA WARS!

HANDA nang rumesbak ang mas malakas at malusog ngayong Batang Pier para sa parating na bagong season ng Philippine Basketball Association na sasambulat matapos na iangat na ang estadong Enhanced Community Quarantine (ECQ) ng pamahalaan partikular ang Inter-Agency Task Force (IATF).
Bunga ito nang komprehensibong team build-up na pinalakas ng mga bagong ‘acquisitions’ mula sa seryo ng trades at ang nakaraang rookie draft.
Kumpiyansa si NorthPort representative to the PBA Board Erick Arajola na mamamalas muli ang bangis ng Batang Pier na naisantabi na ang kalimut-limot na kampanya nito noong nakaraang taong bubble tournament ng PBA sa Pampanga.
Dahilan sa injuries ng ilang frontliners ng Batang Pier noong nakaraang kumperensiya, tiniyak ng pamunuan na mapunuan ang kakulangan ng koponan upang makabalik ito sa pagiging mapanganib na kalaban sa susunod na PBA season.
“We feel that we will have our presence felt in the next PBA season. We have the quality of players we were able to acquire during draft and trades. We’ll move forward,” sambit ni Arejola.
Matapos ang impresibong kampanya noong 2019 PBA Governor’s Cup kung saan ay umabot ito sa semifinals, maaga namang na-eliminate ang team noong nakaraaang taong maikling torneo sa bubble dahil sa injuries partikular ang kanilang pambatong si Robert Bolick.
May positibo namang epekto ang naturang negatibong resulta sa bubble dahil ang koponan ang siyang nabiyayaan ng pribelihiyong ‘second overall pick kung saan naangkla sa draft ang 6’6″ na si Jamie Malonso at si Troy Rike(6’7″) sa extra pick.
Kasunod nito ang off-season catch kay 6’7″ Greg Slaughter, forward na si Sydney Omuwebre at guard Clint Doliquez.
Si Jerick Balanza na kinuha ng Barangay Ginebra sa pick ay nabingwit ng Batang Pier para dagdag- puwersa sa backcourt..
Tampok din ang pagbabalik ni Bolick na gumaling na mula sa pagka-sideline sa injury noong nakaraang taon.
Optimistiko si Arejola na ang bagong komposisyon ng kanilang koponang kumpleto-rekado na ay aangat sa ‘hardcourt war’ sa kanilang pinaghalong atletismo.karanasan at kabataan.
“Definitely we will go for it.Watch for the exciting moments our Batang Pier will deliver every game”, ani pa Arejola.(Danny Simon)

The post MAS PINALAKAS NA NORTHPORT BATANG PIER HANDA NA SA PBA WARS! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAS PINALAKAS NA NORTHPORT BATANG PIER HANDA NA SA PBA WARS! MAS PINALAKAS NA NORTHPORT BATANG PIER HANDA NA SA PBA WARS! Reviewed by misfitgympal on Abril 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.