KUMAYOD si Jayson Tatum ng 22 points at eight rebounds, upang tulungan ang Boston Celtics na durugin ang short-handed Charlotte Hornets sa iskor na 116-86, sa TD Garden kahapon.
Evan Fournier pomukol ng 3-pointers at 17 points, habang si Robert Williams nagtapos ng 16 points at eight rebounds para sa ikalawang dikit na tagumpay ng Boston.
Terry Rozier pinamunuan ang opensa ng Charlotte sa kinamadang 22 points at seven assists,Devonte’ Graham nagdagdag ng 11 points. Ang 30 point loss ang pinakamasaklap na pagkatalo ng Hornets sa season.
Ang Charlotte ay naglaro na wala ang kanilang 3 top scorers,LaMelo Ball (fractured right wrist) at Malik Monk ( sprained right ankle) kung saan kasama ni Gordon Hayward sa injured list Biyernes matapos ma sprained ang kanyang kanang paa sa kanilang panalo kontra Indiana.
Ang Hornets ay 5-3 simula ma- injured si Ball noong Marso 20 nabigo ang dalawa sa kanilang huling three games, at may dalawang laro ang natitira sa six-game trip.
The post Celtics dinurog ang Hornets appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: