ITO ang nilinaw ni Senador Christopher “Bong” Go, chairman ng Senate Committee on Health kasunod ng extension ng Enhanced Community Quarantine ng isa pang linggo para mapababa ang surge ng COVID-19.
Sinabi ni Go na kailangan ng kooperasyon ng bawat isa dahil hindi pa sapat ang isang linggo ng ECQ dahil mataas pa rin ang kaso ng infections.
Nilinaw ni Go na hindi naman sarado ang lahat tulad ng mga essentials, bangko, groceries at iba pang bilihan ng pagkain.
Aminado rin si Go na suportado niya ang ECQ dahil mas importante ang buhay ng bawat Pilipino kaya kailangan ng kooperasyon sa gobyerno.
“Ako naman po, bilang Chair ng Senate Committee on Health, ang prayoridad natin ngayon ay makapagligtas ng buhay ng mga Pilipino,” wika ni Go.
“Kaakibat dyan ang pagsigurong maiiwasan hindi lang ang sakit, kundi pati rin ang gutom,” diin ng senador.
Babala pa ni Go na masyadong mabilis ang pagkalat ng bagong variant ng virus kaya mas mabilis ang hawaan.
Kinumpirma ni Go na pag-aaralan ng IATF ang sitwasyon hanggang sa Sabado bago magpasya kung ibababa sa MECQ o mai-extend muli. (Mylene Alfonso)
The post “Ayaw ng gobyerno na ikulong ang mga Pilipino” – Sen. Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: