Facebook

Inutil ang ECQ sa NCR Plus

“ENHANCED community quarantine” (ECQ) ang solusyon ng administrasyong Duterte laban sa biglang pagdami ng bilang ng mga taong nagkakaroon ng coronavirus disease – 2019 (COVID – 19) araw-araw sa National Capital Region (NCR), Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan.

Isang linggo nitong Abril 4 ang ECQ, ngunit hindi napahupa ang pananalasa ng COVID – 19.

Ang ginawa ng pamahalaan, dinagdagan pa ng isang linggo ang pananatili ng ECQ sa NCR at apat na lalawigan na kolektibong binansagang NCR Plus.

Siyempre, ang layunin nito ay mapababa sa higit isang libo ang bilang ng mga nagkakaroon ng COVID – 19.

Ang konsepto ng ECQ ay hindi nagpapalabas ng mga bata at nakatatanda mula sa kanilang mga bahay.

Hindi rin puwedeng lumabad ng bahay ang ibang tao na ang mga edad ay 18 -anyos hanggang 59 kung hindi mahalaga ang paglabas ng bahay.

Iba pa ang pananatilu ng mga dati nang rekesito tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield at pagtitiyak na isang metro ang layo ng mga tao sa isa’t isa.

Tapos, mayroon pang curfew mula 6:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga.

Pokaragat na ‘yan!

Habang pinaiiral sng ECQ ng local government units (LGUs), partikular ng mga pamahalaang barangay sa NCR Plus at ng Philippine National Police (PNP), kapansin – pansing hindi mahigpit ang pagpapatupad ng ECQ sa NCR Plus.

Pokaragat na ‘yan!

Bakit hindi mahigpit?

Malayang – malaya ang operasyon ng jueteng sa NCR Plus.

Mayroon ding mga nagpapatupada, o iyong nagpapasabong nang walang permit, o lisensya, mula sa pamahalaang lokal.

Itanong ninyo sa mga beteranong kolumnista na nagmamatyag sa operasyon ng jueteng at iba pang uri ng iligal na sugal, sigurado akong “oo” ang isasagot nila.

Itatanong pa ng mga kolumnista: Kahapon ka ba ipinanganak?!

Isa mga notoryus na jueteng lord ay isang “John Yap”.

Ang operasyon ng jueteng ni alyas John Yap ay ang Lungsod ng Taguig , Cavite at iba pang lalawigan.

Napakatindi ng nasabing Yap.

Alam ba ninyong hindi hinuhuli , o sinisita man lang ng mga pulis ang tauhan ni Yap.

Pokaragat na ‘yan!

Kaya, hindi kasinungalingang ideklarang “inutil ang ECQ sa NCR Plus!”

The post Inutil ang ECQ sa NCR Plus appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Inutil ang ECQ sa NCR Plus Inutil ang ECQ sa NCR Plus Reviewed by misfitgympal on Abril 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.