ISA pang medical frontliner ang nasawi nitong Biyernes Santo dahil sa kumplikasyon ng COVID-19 matapos ng mabakunahan sa Ilagan city, Isabela.
Ayon sa Provincial IATF, ang frontliner na isa ring opisyal ng Faustino Dy Sr. Memorial Hospital ay isa sa mga nabigyan ng first dose ng hindi natukoy na vaccine noong unang linggo ng Marso.
Nagkukumahog ang pamahalaang panlalawigan na makumpleto ang pagbabakuna sa lahat ng medical frontliners nito kaya’t walang pahayag ang IATF kung pipigilan ang pagbabakuna dahil sa insidente.
Magugunita na dalawang komadrona sa rural health unit ng San Mateo, Isabela na naturukan noong Marso 12 ng unang dose ng Sinovac ang nasawi sa kumplikasyon ng COVID-19.
The post Medical frontliner na nabakunahan nasawi appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: