BINAWIAN ng buhay ang isang negosyante nang pagbabarilin sa probinsya ng Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Roy Monreal, 47 anyos, residente ng Barangay Libertad, Ma-kilala, Cotabato.
Ayon sa ulat ng Ma-kilala PNP, habang binababa ng biktima ang karga nitong mga sako ng bigas sa harap ng kaniyang sari-sari store sa Purok Santan, Brgy. Saguing, Makilala nang lapitan ito ng isang lalaki at pinagbabaril ng kalibre.45 na pistola.
Agad tumakas ang sa-larin na sumakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Barangay Libertad.
Patay kaagad ang negosyante na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang kanang panga na tumagos sa ulo.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Ma-kilala PNP sa pamamaril.
The post Negosyante pinatay sa harap ng tindahan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: