Facebook

Motor cab drivers, TODA sa Dipolog City, tinulungan ni Bong Go

BILANG tugon sa apela na ipagpatuloy ang pamamahagi ng ayuda sa gitna ng pandemya, pinuntahan ng grupo ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga motor cab drivers at miyembro ng Tricycle Operators and Drivers’ Associations sa Dipolog City, Zamboanga del Norte na patuloy na nahihirapan sa krisis para bigyan ng iba’t ibang klase ng tulong.

“Mga kababayan, mga kapatid kong Bisaya, alam po namin na mahirap ang sitwasyon ninyo ngayon. Mahirap maghanapbuhay, mahirap ang negosyo, marami ang mawalan ng trabaho… talagang napakahirap ng buhay sa panahong ito dahil sa pandemyang COVID-19,” sabi ni Go sa kanyang video message.

“Ganon pa man, patuloy lang tayong magtulungan. Hindi kami titigil ni Pangulong [Rodrigo] Duterte sa pagseserbisyo sa inyo. Hindi namin kayo pababayaan, lalo na sa panahon ng krisis,” pangako niya.

Ginawa ang pamamahagi ng ayuda sa Dipolog Cultural Center sa pakikipagtulungan ng ilang government agencies. Nagbigay ang mga tauhan ni Go ng pagkain sa tinatayang 700 TODA members na hinati sa ilang pangkat bilang pagsunod sa required minimum health standards. Namahagi rin sila ng vitamin supplements, masks at face shields para maprotektahan sila sa COVID-19.

May ilang TODA members ang nabigyan ng mga bagong sapatos habang ang ilan ay bisikleta na magagamit na transportasyon at computer tablets para sa kanilang mga anak na nag-aaral sa blended learning set-up.

“Maraming salamat Senador Bong Go mula sa amin mga driver dito sa Dipolog City!” ang pahayag ni Danilo Ralph Refugio.

“Salamat po Senador Go para sa mga ibinigay mong tulong sa aming mga motor cab drivers,” idinagdag naman ni Cris Villanueva.

Bukod sa opisina ni Sen. Go, namahagi rin ng tulong ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development at Philippine Charity Sweepstakes Office.

Nagdala naman ang mga tauhan ng Department of Agriculture ng seed supplies para himukin ang bawat pamilya na magtanim ng mga gulay sa kanilang bakuran.

“Sumusunod tayo sa gobyerno dahil delikado pa ang panahon. Magsuot tayo ng mask at face shield, mag-social distancing at maghugas ng kamay parati. Kung hindi kailangan, huwag munang lumabas ng inyong pamamahay,” ang paalala ng senador.

“Magmalasakit, magbayanihan at magtulungan tayo. Hindi magpapahinga ang inyong gobyerno dahil tuloy-tuloy dapat ang serbisyo at pagtulong sa mga kababayan natin lalo na sa panahon ng krisis,” paniniyak niya. (PFT Team)

The post Motor cab drivers, TODA sa Dipolog City, tinulungan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Motor cab drivers, TODA sa Dipolog City, tinulungan ni Bong Go Motor cab drivers, TODA sa Dipolog City, tinulungan ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Abril 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.