Facebook

Magkaisa kesa magpuna nang magpuna laban sa pandemya

Dami na namang magagaling na mga artista. Sayang naman ang impluwensya sa masa, sa halip na pag-isahin ang madla na mas kailangan nang gobyerno ay dumadagdag pa sa naghihinging pag-ukulan ng pansin. Sa halip na kritisismo at batikos, bakit hindi nalang kaya gamitin ang impluwensya para hikayatin ang madla na tulungan ang mga nanunungkulan sa mga programa para tuluyan nang matapos ang pandemyang ito. Sabi nga, nandito na tayo e walang magagawa ang ngawa at puna, kelangan ang sama-sama at kolektibong pakikiisa para mapagtagumpayan ang bawat programang ibinababa. Gaano man kabagal sa palagay nila ang tugon, kahit paano may programa at sistema na kung pagtutulong-tulungang gampanan ng bawat isa ay siguradong may kahihinatnan kesa naman sa wala. – Aries

Paigtingin ang peace and order laban sa Covid 19
Dapat paigtingin ang Peace and Order sa ating mga ibat-ibang sector sa ating mga lalawigan para makatulong tayo sa dumaraming nahahawaan ng virus, ang COVID19. Hindi dapat isisi ang paglaganap sa ating Gobyerno pagkat walang pinipili ang virus na ito kahit sino, walang excuse pag ikaw ay mahawaan. Kaya dapat sumunod tayo sa panuntunan ng ating batas para sa ating kaligtasan matuto tayong sumunod maraming salamat samga nakakaunawa. – BOSES NG LASANGAN.

Ghost employees sa Manila City Hall
Dapat po lahat po ng empleyado ng Manila City Hall ay naka-bond d clock. Kasi po nagsisipasok po alas 10:00 o alas 11:00 ng umaga na, pero buo parin po ang sahod. Marami pong ghost employees d2 sa City hall. – Concerned employee ng MCH

The post Magkaisa kesa magpuna nang magpuna laban sa pandemya appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Magkaisa kesa magpuna nang magpuna laban sa pandemya Magkaisa kesa magpuna nang magpuna laban sa pandemya Reviewed by misfitgympal on Abril 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.