Facebook

Napakasama ng ilang opisyal at kawani ng BOC

NAPAKASAMA pala ng ginagawa ng Bureau of Customs (BOC) sa pamahalaan sa isyu ng importasyon ng baboy.

Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura, P81 lang ang halagang ideneklara ng mga importer ng karne ng baboy sa BOC kaugnay sa bawat kilo ng inangkat nilang baboy.

Pokaragat na ‘yan!

Naganap ito simula noong Enero.

Kung P81 bawat kilo ang halaga, samakatuwid posibleng kumikita ng P200 hanggang P250 kada kilo ng imported na baboy ang mga negosyanteng umaangkat ng baboy mula sa ibang bansa.

Pokaragat na ‘yan!

Sa nasabing napakaliit na deklarasyon ng mga importer, walang dudang kumikita ang mga importer ng baboy ng napalaking halaga bawat kilos ng baboy.

Ang lugi rito ay ang mga negosyante ng baboy na nakatuon sa lokal na industriya lamang ng baboy ang negosyo.

Ang ikalawang lugi ay ang pamahalaan.

Kahit saang anggulo sipatin ay siguradong lugi ang pamahalaan sa halagang P81 kada kilo.

Pero, syempre tiba-tiba ang mga importer ng baboy sa sobrang laki ng kanilang tubo.

Pokaragat na ‘yan!

Sino kaya ang gumawa ng krimeng ito sa BOC?

Kung tukoy at kilala ng Samahang Industriya ng Agrikultura kung sino, o sinu – sino ang mga opisyal at kawani sa BOC na pumabor sa P81 ang halaga ng imported na baboy ay dapat nitong iparating kay Pangulong Rodrigo Duterte upang maparusahan nito ang mga salbaheng opisyal at kawani ng BOC.

Patunayan ng naturang organisasyon na totoo itong naglilingkod sa mamamayang Filipino.

The post Napakasama ng ilang opisyal at kawani ng BOC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Napakasama ng ilang opisyal at kawani ng BOC Napakasama ng ilang opisyal at kawani ng BOC Reviewed by misfitgympal on Abril 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.