PINANGUNAHAN ni Mayor Isko Moreno ang Lungsod ng Maynila sa pagbibigay pagkilala sa mga frontliners ng kabisera ng bansa sa paggunita ng ‘Araw ng Kagitingan.’
“Let us celebrate our Day of Valor by honouring our unsung heroes who have exemplified utmost bravery in their respective fields of endeavour by serving in the frontlines, as the nation continuously battles COVID-19,” ayon kay Moreno.
Binigyang pugay ng alkalde ang mga medical and health frontliners, ang city personnel na siyang naghahatid ng ayuda mula sa national at local governments at doon sa patuloy na tumutulong sa pamahalaang lungsod na magampanan ng buong-buo ang tungkulin nito sa kabila ng pandemya.
Partikular na pinapurihan ni Moreno ang vaccinating teams ng lungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Honey Lacuna na siyang nangangasiwa ng health cluster ng lungsod na sinabi niya ring nagtratrabaho ng full time kahit na weekends at maging noong Holy Week kung saan ang lungsod ay nakapagbakuna ng napakaraming indibidwal.
Pinuri din ni Moreno ang mga nasa likod ng operasyon ng anim na city-run hospitals sa kanilang dedekasyon sa tungkulin sa gitna ng surge ng coronavirus cases at sa pag-aasikaso ng mga non-COVID cases na nangangailangan din ng kanilang pansin.
“Pinagpapasalamat ko sa Diyos na binigyan ako ng masipag na Vice Mayor sa katauhan ni Honey Lacuna at ng mababait at dedicated na mga kasamahan sa trabaho na handang maglingkod kahit pa piyesta opisyal at lagpas-lagpas sa oras ng tunay nilang pasok sa trabaho at handang sumabak sa panganib ng COVID-19,” ayon sa alkalde.
Matatandaan na ginawang pansamantalang tirahan ni Moreno ang kanyang tanggapan nang magsimula ang pandemya.
Ang Day of Valor na lalong kilala bilang Araw ng Kagitingan, ay gumugunita sa kabayanihan ng mga sundalong Filipino at Amerikano nang sakupin ng nga Hapon ang Pilipinas noong Ika-2 Digmaang Pandaigdig. (ANDI GARCIA)
The post Isko, nanguna sa paggunita ng “Araw ng Kagitingan” appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: