MULING gumawa ng record ang pamahalaang lungsod ng Maynila matapos na burahin ang dati ng record ng may pinakamaraming nabakunahan sa loob ng isang araw at manatiling nangungunang lungsod sa bansa na may pinakamaraming nabakunahan.
Inulat ni Mayor Isko Moreno na may kabuuang bilang na 11,881 residente ang nabakuhanan noong Abril 8 sa pagbabakunang sabay-sabay na ginawa sa 18 designated sites na itinakda ng pamahalaan sa direct supervision ni Vice Mayor Honey Lacuna, na isa ring doktor.Karaniwan na umaabot lamang sa mahigit na 8,000 ang nababakunahan sa isang araw.
Sa bilang na 11,881 na nabakunahan noong nakaraang Huwebes, 5,607 seniors ang nabigyan ng first dose ng bakuna; 3,913 naman ang tumanggap ng first dose na nasa edad na 18 – 59 at may comorbidities at first dose din ng bakuna sa may 2,361 na mga medical workers.
Ang grand total ng mga taong tumanggap na ng bakuna simula ng umpisahan ito noong isang buwan ay umabot na sa 63,346 kung saan kabilang ang mga medical and health frontliners, senior citizens at mga nasa edad 18-59 na may comorbidities.
Samantala ay pinayuham ni Moreno ang mga nagpositibo pero asymptomatic o may bahagyang sintomas na huwag ng dumiretso sa city hospitals kung saan naroroon ang mga severe at critical condition na binibigyang prayoridad.
Ito ay dahil na rin sa kanyang inanunsyong kasalukuyang occupancy rate ng COVID bed capacity sa six city-run hospitals ay nasa 71 percent at patuloy na tumataas.
Sinabi pa ni Moreno na sa halip na magtungo sa ospital ang taong nagpositibo ay dapat na makipag-ugnayan sa kanilang barangay na siya namang hihingi ng tulong sa Manila Emergency Operations Center (MEOC) upang madala sa pinakamalapit na quarantine facility ang pasyente sakaling walang sapat na espasyo sa loob ng kanilang bahay para mag- isolate.
“If you are symptomatic but mild, go to our quarantine facilities. Me mga doktor din doon aabatan kayo in case you need care. This is to prioritize in the medical institutions those who are under severe and critical condition,” sabi ni Moreno.
“Pag may espasyo sa bahay, you may stay home but avoid interaction with household members. Para naman yung mga magpupunta ng ospital ay ‘yung mga nangangailangan ng equippo.” dagdag pa ng alkalde. (ANDI GARCIA)
The post Record ng may pinakamaraming nabakunahan sa isang araw binura ni Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: