Facebook

COVID 19 at military activities ng China, pinag-planuhan?

INSPIRASYON SA BUHAY: “…Manatili nga kayong tapat kay Yahweh, na ating Diyos. Sundin ninyo ang kanyang mga utos…” ( 1 Mga Hari 8:61, Ang Tanging Daan Bibliya).

***

COVID 19 AT MILITARY ACTIVITIES NG CHINA, PINAG-PLANUHAN, AYON SA MGA DALUBHASA: Pinag-aaralan ngayon ng mga dalubhasa sa pandaigdigang ugnayan ang posibleng pagkaka-ugnay-ugnay ng Covid 19 virus na nagmula sa Wuhan, China, at sa mga pagkilos ng may pagmamadali ng Chinese officials sa pagsakop nila sa South China sea sa Pilipinas, sa pagpapalipad nila ng mga fighter jets ng China sa Taiwan, at sa pagtatalaga nito ng kaniyang mga barkong pandigma sa dagat Pacifico, at maging sa mga karagatan ng Japan.

Ipinupunto ng mga dalubhasang ito na ayaw munang magpakilala na magkaka-ugnay nga ang mga kaganapang ito, at tila pinag-palunhan, tungo sa pamamayagpag ng China bilang nag-iisang superpower sa mundo. Sa kanilang pagpapahayag, sinabi ng mga dalubhasa na di maikakaila ang katotohanan sa mga nagaganap ngayon, mula noong mag-umpisa ang Covid 19 sa Wuhan, China.

Una, lumilitaw na dahil sa Covid 19, nagkaroon ng pagbagsak ng kakayahan ng maraming mga bansa sa mundo, malalaki man o maliliit, upang tugunan ang mga banta ng pagsalakay na magmumula sa mga interesadong mga grupo.

Ang inuuna ngayon ng mga bansang ito, kasama na ang Estados Unidos, Britanya, at Francia, at maging ng Russia, ay ang puspusang paghahanap ng gamot sa pandemya at pagbuhay ng kanilang mga ekonomiya na bumagsak ng tumama ang Covid 19 isang taon na ang nakararaan.

***

MGA BANSANG BUMAGSAK ANG EKONOMIYA DAHIL SA COVID 19, MAHIHIRAPANG LUMABAN SA MGA LULUSOB O MANANAKOP SA KANILA: Dahil sa mga mabibigat na panloob na suliraning bunga ng Covid 19, ginagamit ngayon ng US, Great Britain, France, at Russia, ang kanilang mga pera at iba pang resources sa dalawang bagay. Una, sa paghahanap na nga ng epektibong bakuna upang tulungan ang kanilang mamamayang tinamaan na ng virus at upang tiyakin naman ang kaligtasan ng mga mamamayan nilang hindi pa tinatamaan o nahahawaan ng virus.

Ikalawa, nauubos ngayon ang pera ng mga bansa sa pagbibigay ng ayuda sa kanilang mga nasasakupan, at sa pagpapa-utang sa mga negosyo at negosyanteng ang mga negosyo at nagbagsakan.

Ayon sa mga dalubhasa, sa kalagayang ito na nagpahina ng maraming mga bansa na noon ay may kakayahang lumaban sa sinumang may pagnanais na lumusob o manakop ng ibang mga lugar sa mundo, gaya ng nakikita ngayon sa China, magiging kakaning-itik lamang kumbaga ang lahat ng iba’t ibang mga pamahalaan at ang iba pang mga bayan at lahi, daan upang mas magiging madali ang magiging paglusob at pananakop sa kanila.

***

PANDAIGDIGANG PAGBABALIK SA DIYOS AT SAMA-SAMANG PANALANGIN, SINASABING SIYA LAMANG KALUTASAN NG SIGALOT NG MUNDO: Ang isa sa mga halimbawang sinasabing kinakikitaan ng ganitong mga pangyayari sa ngayon ay ang China at ang mga katabi nitong bansa sa Asya, kasama na ang {ilipinas, na hindi makuhang lumaban o magalit sa mga Chino, dahil ang mga mamamayan ay nabiyayaan ng mga bakunang idinonasyon ng Chinese government.

“This is a perfect stage for the domination of all countries of the world, by any country, people, or group, that has designs on ascending as the sole power in this plant, ruling under the so-called one world order,” ayon pa sa mga dalubhasa.

Sa hanay naman ng mga nag-aaral ng bibliya, nanawagan sila ng pandaigdigang pagpapatatag ng kanilang pananampalataya sa Diyos, anuman ang pagkakakilala o pagkakatawag nila sa Diyos na kanilang pinaniniwalaan o sinasamba. Nakikiusap din sila ng totohanang pagbabalik sa Diyos ng lahat.

***

REAKSIYON? TANONG? Cellphone 0947 553 4855, email address batasmauricio@yahoo.com.

The post COVID 19 at military activities ng China, pinag-planuhan? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
COVID 19 at military activities ng China, pinag-planuhan? COVID 19 at military activities ng China, pinag-planuhan? Reviewed by misfitgympal on Abril 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.