IPINAABOT ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang labis na papuri, pagsaludo at pasasalamat sa unang 50 Visayan medical frontliners mula sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City at Department of Health sa Central Visayas na lumipad na sa Metro Manila para tumulong sa mga kapwa medical frontliners sa harap ng patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region.
“Nagpapasalamat po ako sa mga health workers natin sa inyong serbisyo at sakripisyo, lalu na ngayong may pandemya dulot ng COVID-19,” ani Go sa kanyang video message sa frontliners.
“Hindi madali ang trabaho ninyo dahil mabagsik at agresibo ang kalaban natin ngayon at hindi natin nakikita ang COVID-19. Kaya maraming, maraming salamat po sa inyong lahat,” idinagdag niya.
Isinagawa ang ceremonial send-off ng frontliners—binubuo ng 11 doctors, 35 nurses, at 4 medical technologists—sa Montebello Villa Hotel sa Cebu City noong Miyekoles, bago sila bumiyahe pa-Maynila.
Bibigyan sila ng allowance at mga insentibo mula sa Office of the Presidential Assistant for the Visayas, ng provincial at city government ng Cebu.
Ang volunteer nurses at frontliners ay makatatanggap din ng karagdagang 20% premium sa kanilang basic salary para sa emergency hiring, base sa Bayanihan 2 funds.
Ang ospital kung saan sila made-deploy ang sasagot sa kanilang pagkain, accommodation at transportation sa Metro Manila.
Bukod sa medical fronliners, nagdonasyon din ng medical supplies, kinabibilangan ng life-saving medicines at high-flow nasal cannulas, ang Visayas sa Metro Manila.
Nakatakda ring simulan ang convalescent plasma blood drive dahil sa lumalaking pangangailangan sa NCR.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Go na nahihirapan ang mga ospital sa NCR Plus areas, gayundin ang mga medical frontliners dahil sa mabilis na paglobo ng COVID-19 cases.
“Patunay po ito na sa kabila ng pandemya, malakas pa rin po ang diwa ng bayanihan. May around 100 nurses po ang willing ma-deploy from Visayas. I appeal to health workers in other parts of the country to extend help to other critical areas. Kailangan natin magmalasakit sa ating kapwa Pilipino,” ayon kay Go.
Isa sa doktor, si Dr. Jken Basilla, ang nagpasalamat kina Pangulong Rodrigo Duterte at Go sa inisyatibang ito upang magkaroon ng oportunidad ang mga medical frontliners sa iba’t ibang panig ng bansa para makatulong sa paglaban sa COVID-19 sa mga critical areas, gaya ng Metro Manila.
“First things first, I would like to thank our President, President Rodrigo Roa Duterte. I know he’s very tired now. It’s been a year, more than a year, of this fighting (against) COVID,” sabi ni Basilla.
Muling tiniyak ng senador sa frontliners na palaging nakahandang makinig ang gobyerno sa kanilang concerns at kapakanan.
“Kami po ni Presidente Duterte, sa abot ng aming makakaya, magseserbisyo kami sa inyong lahat. Magtulungan lang tayo, magbayanihan tayo, magmalasakit tayo sa ating mga kababayang Pilipino.”
“Hindi po ito panahon ng sisihan kundi panahon po ito ng pagtutulungan,” anang senador. (PFT Team)
The post Bong Go, saludo sa sakripisyo ng frontliners vs pandemya appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: