Facebook

Nilalaro tayo ni DU30 atbp!

Nag-jogging, nag-motorbiking at nag-golfing sa hatiing-gabi upang ipakita na malakas pa sa kalabaw ang Pangulo.

May nagsabi naman na double ang sa tumatakbo, nakaupo sa motorsiklo at ang pumapalong bola.

Tapos naghayag mismo ang Presidente na sinasadya niyang huwag magpakita. Istilo niya raw iyon. Habang pinalilitaw ay lalong nagtatago. Parang batang paslit na makulit o matigas ang ulo.

Sa madali’t sabi ay pinaglalaruan tayo sa gitna ng matinding pandemya na isang taon na tayo pinahihirapan at sa pambubully ng China sa West Philippine Sea.

Akala ng mahigit 16M na bumoto sa kanya ay 3 to 6 months ay gaganda na Pilipinas. Magiging Singapore na raw tayo na maaari maglakad sa kalsada na walang takot kahit anong oras. Mawawala na raw ang droga at mga kriminal.

Uunlad na rin tayo kasi mauubos ang kurap ang iinam ang panahon para sa mga negosyo.

Nguni’t halos limang taon na sa Malacanang ay heto tayo nganga. Bagsak ang ekonomiya. Madami na naEJK at natokhang.

Kulelat tayo sa SEA sa pagtugon sa COVID19 at lumala pa ang sitwasyon ngayon. Mabagal umaksyon at ayaw palitan mga taong-gobyerno na palpak.

Pero teka hindi ba kasabwat dito sa panloloko ang julalay na nagpapalabas ng mga dinoktor na mga larawan? Hindi ba siya liable dito sa panlilinlang sa publiko? Sa Senado kung saan siya miyembro ay pwede siyang sampahan ng kaso ng unethical practice, di ba mga mga Sir at Madam?Aro Dios ko!

***

Yung bagong liga na VisMin Super Cup binalot agad ng kontrobersya. Game manipulation ang naging game.

Kaliwa’t kanan mag-free throw at sadyang minimintis ang fastbreak. Ano ba yan?

Naganap ang mga kababalaghan sa game ng Siquijor at Lapu-Lapu sa Cebu bubble. Mabuti napatalsik na ang salarin na team at suspindido naman ang kalaban.

Diumano’y may kinalalaman ito sa tayaan sa ending o sa online gambling kung saan may dayaan sa final score.

Wala kasing PBA at natapos na ang MPBL. Kailangan may isa pang paglalaruan na torneo ang sindikato.

***

Nalulungkot si Pepeng Kirat sa biglaang pagreretiro ni LaMarcus Aldridge ng Brooklyn Nets. Wala pang isang buwan ang 36 anos na big man kina Coach Steve Nash nang madiskubre ang kanyang irregular na hearbeat. Hayun napilitan i-hang na ng permanente ang kanyang basketball shoes

Mas maigi na nga naman maingat kaysa lumala ang kondisyon ng 7x na All Star.

Nagdribol siya para sa Portland at San Antonio bago naging kakampi nina Kevin Durant, Kyrie Irving at James Harden.

Tila pinaglaruan naman siya ng tadhana.

The post Nilalaro tayo ni DU30 atbp! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nilalaro tayo ni DU30 atbp! Nilalaro tayo ni DU30 atbp! Reviewed by misfitgympal on Abril 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.