Facebook

‘Ivermectin epektib kontra Covid-19’

ANG Ivermectin, ayon sa Food and Drug Administration (FDA), ay ginagamit laban sa iba’t ibang uri ng parasites, infections. Sa tao, ito ay pamatay ng lisa, scabies, gamot sa river blindness, strongyloidiasis, trichuriasis, ascariasis at lymphatic filariasis. Sa veterinary medicine, gamit ito para hindi magkabulate ang hayop at acariasis.

Hindi raw ito gamot para sa viral infection. Inaprubahan ito ng FDA bilang antiparasitic drug o gamot sa tropical diseases.

Dahil hindi nga ito antiviral drug, delikado raw itong gamitin laban sa Covid-19.

Pero sa NPC weekly forum namin via Zoom nitong Biyernes, sinabi ng maraming duktor at maging ng mag-amang dating Senate President Juan Ponce Enrile at Katrina, at 1-Pacman Partylist Represetative Enrico Paneda na nasubukan na nila ang Ivermectin nang magkaroon sila ng Covid-19. Very effective raw ito at murang-mura pa, kayang-kaya ng bulsa ng mga mahihirap.

Ayon naman kina Dr. Iggy Agbayani at Dr. Homer Lim ng Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDCPH), 25 years nang ginagamit ang Ivermectin at dumaan na sa 80 pag-aaral, napatunayan ito’y napakaepektibong gamot maging sa Covid-19, at murang mura pa kumpara sa gamot na isinusulong ngayon ng gobyerno na mahal.

Ngunit ang ipinagtataka, anila, ay kung bakit ayaw itong aprubahan ng FDA. Maraming beses na raw silang sumulat sa concerned agencies ng gobyerno para subukan ito, pero wala raw aksyon ang pamahalaan.

Maging ang Pinay na duktor sa Amerika na si Dra. Marivic Villa ay nagsabing matagal na niyang nirereseta sa kanyang mga pasyente ang Ivermectin. Ligtas raw ito gamitin sa tao at very effective na anti-viral medicine.

Aniya, hindi dapat papatay-patay ang gobyerno ng Pilipinas. Dapat subukan ang mga gamot na epektibo at ligtas. Dahil kung hihintayin ang bakuna, ang Pilipinas ay pangatlong priority lamang. Maaring sa 2023 pa mabebentahan ng bakuna ang bansa. Dahil priority ng mga bansa ngayon na gumagawa ng bakuna ang kanilang mamamayan. Mismo!

Gayundin ang pinahayag nina Dr. Lim at Dr. Agbayani, hindi anila dapat magpatumpik-tumpik pa ang gobyerno sa pagsubok sa mga gamot tulad ng Ivermectin na makapagliligtas ng buhay ng maraming Covid patients.

Sabi pa ni Dr. Lim, dapat ang ginagawa ng gobyerno, kapag na-swab na positive sa Covid ang isang tao ay bigyan agad ito ng generic na gamot, ‘wag nang hintayin na lumala pa. Tama!

Sabi naman ni Cong. Paneda, nag-hearing na sila tungkol sa Ivermecten, pero tila ‘di aniya interesado ang DoH at FDA rito.

Iminungkahi rin Cong. Paneda na kapag nagbigay ng ayuda, samahan na ng paracetamol, hindi puros delata o pera lang.

Sa panig nina Katrina Enrile, apat na beses na raw siyang tinamaan ng Covid at ang tanging gamot niya ay Ivermectin. Ito rin aniya ang iniinom ng kanilang mga tao ‘pag nagpositibo sa Covid.

Sabi naman ni dating Senate Pres. Enrile, ang nangyayari sa FDA ay kompetisyon, kaya ayaw nitong bigyan ng permit ang Ivermectin.

Sinabi pa niyang si Pangulong Rody Duterte ay may kapangyarihan na suspendihin ang power to regulate ng FDA para lamang mabigyan ng permit ang Ivermectin para magamit na gamot sa Covid-19.

Hinahamon ng 97-anyos na Enrile ang gobyerno na idemanda siya sa pagrekomenda sa Ivermectin para sa Covid-19.

Ayon naman kay Cong. Paneda, magbibigay siya ng Ivermectin sa gusto mag-take nito para matapos na ang pandemya sa Covid.

Paliwanag naman ni Dr. Teddy Herbosa ng DOH, at Dra. Nina Gloriani ng DOST, pinag-aaral na ng FDA ang efficacy Ivernectin. Malalaman aniya in 60 days ang resulta. Hintay-hintay lang!!!

The post ‘Ivermectin epektib kontra Covid-19’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Ivermectin epektib kontra Covid-19’ ‘Ivermectin epektib kontra Covid-19’ Reviewed by misfitgympal on Abril 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.